Chapter 35

75.8K 1K 21
                                    

(Edited)

Julia's POV

Bago pa man kami magsimula sa pagsakay sa mga rides ay hinila ni kuya yung braso ko. Putspa, walang hanggan na ba ang paghila sa braso ko?

"Wait lang ah kakausapin ko lang ang kapatid ko. Kris right?" Tanong ni kuya Blue kay master, patay. Tumango naman si master bilang reply.

"Sure, take your time."

"Uhm... maybe mauna na lang pala kayo. Itetext ko nalang sina mama kapag tapos na kami mag usap." Nagnod ulit si master.

Hinila ako ni kuya sa isa sa mga bench dun at sapilitang pinaupo. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa may waist niya. In short nakapamewang siya. Patay heto na. Get ready eardrums.

"Anong meron sa inyong dalawa?"

"Ahh... w-"

"Bakit naghoholding hands pa kayo?"

"Hind-"

"Manliligaw mo ba yung amo mo?"

"Ano ba nam--"

"Kailan pa naging kayo ha, Montes?"

Sa sobrang pagkalito ko ay inilagay ko ang kamay ko sa ere. In short parang pinapatigil ko siya.

"Wait lang kuya! Hindi pa nga ako nakakasagot, magtatanong ka na agad agad. Excited?"

"Nako... Montes..." Sabi niya nang may warning tone.

"Una sa lahat hindi ko siya manliligaw."

"Hay! Salamat! Akala ko na-" Hindi pa niya natataos ang sinasabi niya ng mag-panic ako. Ugh! Bahala na! 


"Kasi a-ako lang ang may gusto sakaniya."

Ano pa bang aasahan niyo? Alam niyo yung pakiramdam na nakatunganga ka lang sa klase. Tapos ni isa sa tinuro wala kang magets and bigla kang tatawagin ng teacher mo at tatanungin ka ng isang napaka kumplikadong tanong? Then wala kang masagot kasi nga hindi ka nakikinig.

Ganon na ganon ang feeling ko ngayon!

Wala akong masagot kasi hindi ko alam kung ibe-brake ko pa ang rule sa contract dahil kuya ko siya o magpapanggap ako ang may gusto para hindi maging kumplikado ang lahat?

At wala nang ibang lumabas sa bibig ko kundi ang pangalawang option ko.

"G-gusto mo yon?" Para bang gulat na gulat na tanong niya at tumango tango nalang ako.

"Montes Julia Jessica, sa pagkakapaalam mo sa amin ay magtatrabaho ka hindi magboboyprend." Dagdag niya pa.

"Kuya! hindi ko naman inaasahan na mainlove sakanya eh! Nagpapanggap lang kami kapag nanjan ang fans niya. Tsaka hindi ko siya magiging real boyfriend. Ang layo niya kaya sa akin." Sabi ko. Totoo naman ah! Hindi ko naman sina-ano yung lumabas sa bibig ko!?


"Kuya! hindi ko naman inaasahan na mainlove sakanya eh!"

"Kuya! hindi ko naman inaasahan na mainlove sakanya eh!"

Sh*tness level 99.999999!

"A-ano k-kas--" Sinusubukan kong magdahilan pero putspaness! Wala akong maisumbat! Nakaka... nakaka! Ugh!

"Hays..."

"I guess I don't have the rights to stop you. Pero kung gusto mo talaga siya, then make a move. Para di ka magsisi sa huli. Advantage mo na kung nagpapanggap kayo, malaki ka na Julia. Alam mo na ang ginagawa mo, kung gusto mo; okay lang sa amin basta hindi ka sinasaktan." Sabi niya.

"Opo." Tumawa lang si kuya at ginulo yung buhok ko.

"Si Julia nagdadalaga na." Biglang pang aasar niya at napatakip nalang ako nang mukha ko.

"Akalain mo may 'hindi ko naman inaasahan na mainlove sakanya eh!' ka pang nalalaman jan! Hay nako!"

Maya maya habang naglalakad kami ni kuya para hanapin sila dahil napag-alaman kong nak'ila Jay at Tan pala ang cellphone nitong si kuya dahil daw pinaglalaruan nun ay wala na kaming ibang choice kundi maghanap. Inshort, wala akong load.

Biglang nakiliti yung sa may bandang bulsa ko. Yun pala nagba-vibrate na yung cp ko. Yung cellphone ni binigay ni master. Sino pa ba ang ibang tatawag dun? Edi si... "O-oh mas- ah... sir?"

"Where the hell are you baby?"

"B-bakit?"

Paano akong hindi mauutal kung nakatitig sa akin si kuya habang natawag tong mokong nato! At baby... narinig niyang baby ang tawag saakin ng amo ko! Nakakahiya! Ang alam pa niya ay ako ang may gusto kay master hindi si master ang may gusto sa akin! Aasarin nanaman ako niyan mamaya!

"Where are you?" Ulit niya.

"Nandito kami sa... uhh sa may..... may Rio Grande. Sa tap--" Hindi pa ako tapos nang babaan niya nanaman ako. Kahit kalian talaga!

"Bakit kailangan pang mag-pretend na walang something eh alam ko naman?!" Nagpipigil na tawang tanong kuya.

"Si mama, hindi niya alam. Ayokong malaman niya." Sabi ko at napatango naman siya. Akala ko magagalit siya dahil sa kagagahan ko, pero hindi siya nagalit. Siguro kapag nalaman niyang slave din ako dun siya magwawala.

Nag-uusap lang kami ni kuya dun ng kung ano ano. Wala kaming magawa eh. At tama nga ako. Pinaulanan niya ako ng asar. Inis na inis naman si ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Mabilis ko namang hinarap yung taong yun at susuntukin na sana kaso... "Hwoo! Akala ko kung sino eh! Wag ka ngang mang gulat!"

Pinanlakihan niya ako ng mata at tinuro ng nguso niya yung kuya kong busy sa cellphone niya. Matapos niya akong tadtarin ng asar ganyan agad? Masyadong namiss ata. Siya at ako lang naman ang may cellphone sa amin kaya agawan sila nina Tan at Jay jan minsan.

Medyo nagets ko naman siya. At sa lahat ng kasama sa contract namin... Ito ang pinaka ayaw ko pero.... pinakagusto ko.

"Let's pretend baby." Bulong niya sa akin. Kinikilabutan naman ako sa tono niya. Yan nanaman siya!

Ang inaasahan ko lang na pretend ay yung may mga magsasabihan ng sweet words. Yung tipong concern lang siya sa akin kunwari. Pero iba ang ginagawa niya. Dahilan para kilabutan ako ng sobra.

He intwined his fingers to mine then smiled at me.

Tae, shet, putcha. Ugh!

Wag kang ganyan. Mas nai-inlove ako sayo.

"Eherm, mey tee pe se peleged niye." Sabi ni Tan at natawa naman ako sa 'accent' niya. Abnormal talaga!

"Hahaha! Wag mo ngang paringgan! Kinikilig ako!" Sabi naman ni mama.

Yung isa naman busy sa cellphone at mukhang may kausap ata.

"Mama naman! Tanda na kinikilig pa! Ate! Tara sakay tayo dun!" Sabi ni Jay sabay turo niya dun sa isang ride kung saan mukhang magiging cause of death ko.


"Space Shuttle?!"

~~AgentBlue143

His SlaveWhere stories live. Discover now