Chapter 29

80.8K 1.1K 118
                                    

(Edited)

Julia's POV

Pumikit ako dahil ayokong makita ko ang mga mangyayari. Pero ang pinagtataka ko ay bakit walang kung anong bagay ang dumaplis sa akin.

Nasa langit na ba ako? Hindi ba dapat mararamdaman ko yung sakit? Yung hapdi? Bakit ang bilis ata?

"Hoy! Kung magpapakamatay ka tumalon ka nalang sa tulay! Hindi yung may naagrabyado ka!" Narinig kong sigaw at nag overtake siya para malagpasan na niya ako.

Biglang may yumakap ng likod ko. Mahigpit na yakap. Walang sabi saing hinila niya ako papunta sa kawalan. Namalayan ko nalang na sa parking lot pala kami napunta. Napatingin ako sakaniya na pulang pula na at halatang nagpipigil nang galit.

"What the f*ck are you thinking earlier Jess? Even if someone approached me, you shouldn't just ran away from me! I even called out your name for I don't know how many times! Are you deaf? D*mn it Jess! You scared the hell out of me there!" Aniya. Napapikit ako nang marinig ko ang page-echo nang boses niya sa buong parking lot. I can feel people staring at us. He suddenly pulled my arm and hugged me.

"Wag mo nang uulitin yon baby, I almost died there. Wag mo na akong tatakbuhan ulit."

Mahina yung mga huli niyang sinabi pero malinaw na malinaw sa isip ko. Hindi ko sukat akalaing makakapag tagalog siya. I guess nagagawa niya iyon kapag sumosobra ang emosyon niya.

"Wag mo nang uulitin yon baby, I almost died there. Wag mo na akong tatakbuhan ulit."

Music in my ears. Gusto kong gawin iyong ringtone.

"P-pakiulit master." I asked. Ibinaon niya lang ang mukha niya sa leeg ko. Hindi ba siya nahihirapan since medyo maliit nga lang ako?

"Don't you dare do that again Julia Jessica. Don't you dare. Because I might kill a person if something happened to you, understand?" Sabi niya habang hinihimas yung buhok ko. Tumango na lang ako kahit medyo naguguluhan ako.

"M-magtagalog ka ulit." I pleaded. Bahala na kung pagtawanan niya ako mamaya sa paga-assume ko.

"Puno ang labi nang ngiti, sa tuwing ikaw ay lalapit.

Unti unti akong nababaliw, giliw.

At sa awiting kong ito, sana'y maibigan mo.

Ibibigay ko ang buong puso ko,

Sa isang magandang dalagang, 'tulad mo."

I smiled and hugged him back. I can feel his warm breath at my neck, and it tickles. Seconds later, e parted and started scanning my body. "Are you okay? Do you any bruises?" Tanong niya habang tinignan kung may nagasgas sa akin. Eh kanina pa nga ako may pasa.

"You're such a careless girl. We're going home." Sabi niya sa akin at napatango nalang ako. Binuksan niya yung pintuan at pinasok ako dun tapos umikot siya at pumasok na rin at nagdrive pauwi.

Okay na ba talaga kami? As in, okay na? Good terms na?

Nung makarating kami ay akmang bubuksan ko na sana yung pinto nang magsalita siya.

"I bought you that phone because I don't want anyone calling you, no other than me in that phone. I already inserted a sim card and a memory card there. You can press and hold #1 on the speed dial to call me. It is a plan phone so you have unlimited calls and text. Don't dare put any other contacts there, unless it's your mother and brothers, understand?" Mahabang paliwanag niya. Tumango na lang ako at lumabas.

His SlaveWhere stories live. Discover now