Chapter 55

67.8K 885 56
                                    

Edited

~~

Julia's POV

"Why do you love this idiot, creepy, stupid-looking man beside you?"

Napalingon naman ako kay master. Bakit nga ba?

Naparaming dahilan para mahalin ko siya pero bakit wala akong maisip ngayon? Walang pumapasok na sagot sa utak ko.

Hindi ko siya minahal dahil sa ugali niya, hello! Ang mean kaya niya nung una at kahit pa nung medyo hulog na ako sakaniya! Mahilig siyang mambadtrip at unang una sa lahat isa siyang malaking paker! Hindi ko siya minahal dahil sa looks niya, na-attract siguro pwede pa. Hindi ko siya minahal sa pera o kayamanan niya, kahit mahirap naman kami hindi ako mukhang pera.

"Hindi ko alam. Biglaan nalang eh. Hehe" Awkward na sabi ko.

Napangisi silang dalawa sabay tumayo nalang bigla si baby J. Lumapit ito sa akin sabay hinawakan yung magkabilang pisngi ko.

"Ate JJ..." Nahihiyang sabi niya pero cute ang tono. "Ate JJ help me take a bath... please?" Sabi niya at nagpacute nanaman. Wala naman akong ibang choice dahil sa ipinapakita niya kaya sa banyo din ang bagsak namin.

**

"Bubbles!" Tuwang tuwa na pinaghihipan niya ang bubbles sa may bath tub. Ako naman sa may labas ng bathtub pero sa loob parin ng cr. Nakaupo naman si master sa may sink. Malaki din kasi ang CR dito.

"Hey kiddo! You're old enough! Take a bath alone!" Sabi ni master. Tinapakan ko naman yung paa niya sabay sinamaan ng tingin.

"Tantanan mo na yung bata!" Naiinis na sabi ko. Wala naman akong narinig na pag angal sakaniya pero sumimangot lang siya sabay nag cross arms.

"Bakit ako? Hindi mo ako pinapaliguan?!" Muntik muntikanan naman akong mapasubsub sa bathtub. Anaknang! "Hoy! Ang tanda mo na kaya! Hindi ka na bata!" Sabi ko sakaniya at lalo siyang sumimangot.

"I just wish I'm a kid again, so you can take care of me like how you take care of him." Sabi niya sabay tinuro si baby J.

"I'm the one who always take care of you baby. Ako palagi yung naglalambing. Hindi mo naman ako nilalambing. Nakakatampo ka!" Pagt-tantrums niya sabay nagpapadyak pa.

"Tapos, ako nalang palagi yung nag aalala sayo! Parati ikaw yung nasa isip ko, eh ikaw? Puro siya! Siya! Siya! Yang bagong baby mo! Ako lang dapat baby mo eh! Hindi mo pa ako pinapatulog kasi palaging pumapasok sa isip ko kung gaano kasarap yung halik mo! Eh ikaw? Ang sarap ng tulog mo kayakap mo pa yang baby mo! Madaya ka!" Mahabang sabi niya. Tinignan ko siya ng maigi, nagtatampo ba talaga siya?

Nagdadabog siyang lumabas ng banyo, tinignan ko naman si baby J, magsasalita na sana ako nang magsalita siya. "Go, kuya baba is jealous of me. I'm so gwapo talaga." Sabi niya sabay nag pogi sign. Nginitian ko nalang siya at nagfist bump kami.

"Habulin ko lang yun ah? Baka magpatiwakal eh?"

**

"Uy!" Tawag ko sakaniya. Nasa may garden ko siya natagpuan eh. Ayun nakaupo sa may duyan dun.

"Oh? Bakit iniwan mo yung baby the first mo dun?! Dun ka na lang! Wag mo na akong isipin! Siya nalang yung alagaan mo! Siya nalang yung pakainin mo ng luto mo! Siya nalang din yung tabihan mo sa pag tulog mo. Dun ka na!" Nag-aalburotong sabi niya sabay tinalikuran ako.

Hindi ko alam kung matatawa ako o magiguilty sa ginagawa niya eh. Kasi naman! Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sakaniya! Kung dapat ba akong magbiro para gumaan ang pakiramdam niya o dapat ko ba siyang lambingin. Ugh, hindi ako magaling manglandi-este manglambing!

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon