Chapter 13

90.4K 1.4K 90
                                    

(Edited)


Chanyeol's POV

Lahat kami busy dito sa condo no boss at nag dedecorate ng mga pang christmas decoration, kahit gangster ang tingin nila sa amin, hindi naman talaga kami gangster at mga childish na tao lang naman talaga kami at trip na trip namin ang nag ayos ng christmas tree tuwing malapit nang mag pasko. Pero kung nagsasalita lang siguo ang Christmas tree eh sinigawan na kami non. Mukha kasi siyang punong nabagyo na may glitters lang.

"Mali! Dapat duon yan tha may tabi nang pinto! Para thwerte!" Sabi ni Sehun. Minsan ang sarap talaga higitin nang dila niya at puluputin. Baka sakaling maging letter 'S' na ang pag-pronounce niya.

"No! Hindi ba ang sagwa?! Pagpasok na pagpasok mo si Santa Claus ang bungad?" Depensa naman ni Luhan

"Nagsasuggest lang naman ako! Bakit ka nagagalit!? Hindi ba nakakatuwa kapag thiya agad makikita mo?" Pilit ni Sehun

"Wag Sehun, magugulat nga naman kung sakaling may bisitia. Dun nalang siya sa tabi nang Tv." Sabi ni pareng Suho sabay pinoint yung isang sulok. Kunga makapag turo akala mo professional, ihampas ko sakaniya si Santa Claus eh!

Hay ang gulo na ng condo ni boss eh. Hayaan mo na yun di naman niya ginagamit eh. Regalo ito sakanya ng dad niya pero hindi naman niya ginagamit kasi ayaw niya daw mag isa. Kaya kami nalang ang nagamit. Saya saya nga eh!

Lahat kami may spare key, ninakaw namin dati yung susi ni Kris tapos nagpagawa kami ng duplicate key, ang talino namin diba? Wag kayong maingay kay bossing ah? Kami kami lang ang may alam.

Si Xiumin naman at Tao ay kumakain ng siopao. Naimpluwensyahan na eh. Hindi ba siya nagsasawang kumain? Si Kai nasa may harap ng salamin, kinakausap nanaman ang sarili niya. Madalas niyang gawin yan. Minsan hindi ko alam kung bakit ba namin yan sinali sa aming magkakaibigan. Siguro may sari-sarili kaming mga... kakaibang taglay.

Paano? Bukod sa aming labing-dalawa, pangatlo siya sa mga pinaka conceited sa sarili. Una si Suho gramps na maraming pera, pangalawa ang napaka galing na magdrawing na si bossing pangatlo si Kai na sobrang sexy.

"Hay, minsan talaga kailangan ko nang umiwas sa salamin, baka mainlove ako lalo sa sarili ko." Sabi ni Kai.

"Baka naman ikaw pa ang iwasan nang salamin pards, itim mo eh." Sabi ni Chen at tumawa naman kami. Laptrip talaga ang mukha ni Kai.

Habang kami ni Suho at Baekhyun ay naglalaro ng Ps4. Ganun talaga ang buhay, habang sila busy at pagod na pagod sa pag aayos, nandito lang kami sitting pretty at nag e-enjoy. That's Layp men.

"Patayin mo na! Hala sige! Ako nang bahala don! Oo! Syet ka!" Sigaw ni Baekhyun. Oa din minsan nito eh!

"Tangin* Baek dun ka! Ako na dito! Ay syet syet!" Ganti naman ni Suho

"Putek ang iingay niyo nakakaditract eh!" Sigaw ko din. Badtrip naman kais eh! Ibinagsak ko ang controller at sinabunutan sina Baek at Suho.

Si D.O naman ang nakatoka sa pagluluto ng hapunan. Odiba? Ang galing ko? Habang concentrate na concentrate ako dito sa pagsabunot sakanila ay nai-describe ko parin sainyo kung anong ginagawa nila? Ganun eh, wais ata to.

Lahat kami ay busy ng biglang may narinig kaming tunog. Nanahimik ang lahat nung biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang dalawang nilalang na... magkahawak ang kamay?

Nakakagulat na nagdala ng babae si Kris dito. At ang kinagulat ko pa na si Julia pa ang babaeng iyon. Shock na shock talaga kami dahil bukod sa mas maarte pa yan samin kapag niyayakap namin yan eh perstaym to mga brad! Shock talaga ako as in! As mas nakadagdag pa ang wet look nang dalawa!

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon