Chapter 71

50.5K 995 69
                                    

(Edited)

Feels. Emotions. Gosh. Stahp. Hahaha! Enjoy!

Julia's POV

Nandito lang ako sa upuan kung saan ako nakaupo kanina. Wala, nakakapagod pala magdebut noh? Ang sakit din sa paa. Tapos na lahat ng 18! Sa wakas! Kainan na!

Dahil nga nakagown ako hindi ako pinayagan ni master na tumayo. Birthday ko lang naman hindi naman ako baldado.

Gusto ko sana ako kukuha sa buffet eh kasi gusto ko kumain ng kumain ng kumain ng marami! Kambal ata kami ni puds.

Pangarap ko din kasing kumain ng kumain ng madami nang hindi tumataba.

"Hey baby, here's your food." Sabi niya tapos umupo siya sa harap ko. Natatawa pa ako ng konti kasi naka indian sit lang siya. Eh nakasuit nga siya na white. Tataka din ako kasi madami sa amin ang nakawhite. Ako din naka white. Pareparehas nga ata kami nina Yoona, Minmin at Frisa ng gown eh ang cute! Mukha kaming sisters lahat!

Tumayo ako tapos umupo sa tabi niya at nag indian sit kahit mahirap. Wala eh, gusto ko siyang katabi eh.

"Baby, gusto ko nang cake." Sabi ko. Napatingin naman siya sa akin ng seryoso.

"I gave you all this and all you ever wanted was the cake?" Parang di makapaniwalang sabi niya.

"Baby..." Pagpapacute ko. Masakit na din talaga ang paa ko kaya papanindigan ko na ang 'wag ka muna tumayo' niyang sinabi kanina.

"S-stop that... cuteness baby. Kukuha na kita nang cake, saglit." Napakamot naman siya atsaka umalis. Bumalik naman siya na may dalang cake na medyo madami. Uubusin ko yan! Gutom na din ako eh.

"Salamat!" Ani ko at masayang kinain ang cake. Takam na takam na talaga ako dito kanina pa. Pero susubo palang sana ako ng agawin niya iyon sa akin. Eh? "Hala! Akin na yung cake!" Reklamo ko.

"Susubuan na kita." Aniya na kinamula ko. 

"Ihh, nakakahiya! Ako na..." Pagpapabebe ko. Siyempre kunwari ayaw ko pero gusto ko din deep inside. 

"Ako na nga..." Nagpacute na sabi niya. Putspa talaga. In the end...siya padin ang nanalo.

Siyempre babae lang ako, may kahinaan. Hahahaha! "Ahhh..." Nganga ko at sinubo na niya sa akin yung isang dakot ng cake. Putspa! Sinabi ko naman na kakainin ko lahat pero hindi sa ganoong paraan! Yung bunganga ko punong puno na ng cake!

"Ang sama mo." Sabi ko. Taka taka naman akong tumingin sakaniya nang bigla siyang lumapit sa akin at...d-dumampi ang labi niya sa akin. 

"M-master naman!" Saway ko sakaniya. Nakakarami na siya ngayon eh!

"May natira sa iyong labi binibini. Mas masarap at malasa pala ang cake kapag sa labi mo galing." Nakangisi niyang sabi at paniguradong namumula nanaman ako! Ang manyak niya!

Habang kumakain ako bigla nanaman siyang nag-lean forward. Tinakpan ko naman yung bibig ko tapos dinuro ko siya ung isang tinidor na hawak ko.

"Hindi kita hahalikan kahit gustong gusto mo binibini." Sabi niya at tinanggal ko naman yung pagkakatutok sakaniya nang tinidor. "Asa you." Ang tanging nasabi ko sa sobrang pagkapahiya.

Pero hindi niya talaga ako hahalikan?

"Sorry if I left you home earlier baby. I arranged all of this and it's tiring." Sabi niya."It's worth it anyways. Your smiles and laughter are all worth any hardships."

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon