Chapter 39

76K 1K 69
                                    

(Edited)

Julia's POV

Nagising ako dahil may narinig akong nagriring. Nakita ko yung cellphone ni master sa sidetable na nagva-vibrate. Ayoko sanang mangielam sa cellphone niya kasi alam ko naman yung word na "privacy" kaso ang ingay talaga eh!

Tinignan ko yung screen nang cellphone ni master... at nagulat ako kasabay ng pagngiti ko.

Ako yun habang nakatingin sa sunset at nakangiti. Eto ata yung napagtripan namin kumain ng kwek kwek eh.

Nanginginig kong inislide yung lock icon niya. Ewan ko ba pero kinakabahan ako. Nakita ko na number lang yung nasa screen kaya mas lalo akong kinabahan

"Hello? Kris? God! I've been calling you for pete's sake! Where the hell are you?!" Nanatili lang akong tahimik. Babae. Babae ang sumagot.

"Hello? Now you're not answering me? I missed you so much! I already forgot on when you last visited me here!" Nasasaktan ako. Sino ba to? Baka naman kamag anak lang. Oo tama kamag anak lang.

"Kris? Hello! Baby I love-toot."

Hindi ko na nakayanan at ibinaba ko na ang telepono. Ayoko nang marinig pa ang susunod niyang sasabihin. Putspa kung may karelasyon siya? At walangiya, baby din ang tawag sakaniya?

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko. Tch. Nawalan tuloy ako ng gana maggala. Feeling ko gusto ko lang magkulong sa kwarto buong hapon.

Kamag anak niya lang yun Julia, kumalma ka. Pilit kong ngumiti at ginising si master para i-check yun temperature niya. Wala na siyang lagnat. Salamat naman.

Tinignan ko yung relo sa may dingding... 10:45 pm

Biglang pumsok sa utak ko yung kanina.

Lumabas muna ako ng hotel sabay punta sa may beach. Hindi ko alam kung bakit walang masyadong tao dito, madalas kasing madaming tao kapag gabi diba? Oh tag-ulan kaya wala masyaodng bisita sa Boaracay?

Habang nag-iisip isip at pinapakalma ang sarili ay may kumalabit sa akin.

"Juls..." Aatakihin ko na sana siya ng ninja moves ko pero agad akong nagulat dahil imbis na hindi ko kakilala ay si Mj ang nakita ko.

"MJ!" Natutuwang sigaw ko. Oo sumigaw talaga ako.

Umupo siya sa tabi ko at nginitian ako. Bakit ba bigla bigla nalang ito sumusulpot! Konting konti nalang iisipin ko nang stalker ko to eh!

"Bakit ka nandito? Hindi mo manlang ako sinabihan na pupunta ka dito! Nakakatampo ka ah!" Sinabihan ko naman siya nun eh. Feeling ko tuloy hindi na talaga ako updated sakanya.

"Sus! Wag ka nang magtampo... oh." Nagulat ako ng may maramdaman ako sa may bandang wrist ko.

Isang bracelet na gawa sa shells. Nakaukit don ang MLS

Pansin ko rin na parehas sila ni Sehun ng binigay kay Frisa. Aba, kinuwento din sa akin ni Frisa na mag bestfriend na daw kuno sila. Ano bang meron don sa MLS na yon? Ibigsabin ba bestfriends na din kami ni Mj?

"MJ..."

"Hmm? Alam kong may nababagabag sayo Juls. Spill it."

Sumandal ako sa may balikat nito. Kahit papaano natutuwa ako, kasi pakiramdam ko may masasandalan ako.

"Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko MJ."

"Kanino? Sa master mo?"

His SlaveWhere stories live. Discover now