Chapter 65

54K 780 47
                                    

(Edited)

BTW. Maraming salamat dahil nakaabot na ng 1k ang overall comments! Saranghaeyo guythhh!. And typos. Sorry talaga hindi ko na naedit nagmamadali kasi ako eh. Hehehe. At maiksi ba? sensiya talaga. :)

 Yung banner sa Media! Pansinin niyo ah! Gawa po yan ni @OtakuzineGirl. One of my btchfriedns! hahah juk. Basahin niyo na rin po ang stories niya! Isa pang adik sa EXO yan! haha plith?

Here's the UD

==============================================

Julia's POV

Naramdam kong may humila nang sobre at hindi naman ako nakapag react dahil sa gulat. Halos tumili na ang budhi ko sa nababasa ko kanina, b-bakit?

Ano bang nagawa ni Kris sakanya? Sino ba siya? Bakit niya ginagawa lahat ng ito?

"Sh*t!"

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hinahagod niya ang likod ko pero agad ko siyang nginitian at mahinhin na pinalo ang balikat niya nang tatlong beses.

Last day ko na bukas. Last ko na bukas pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

"Asikasuhin mo muna ang mama mo baby. Mamaya mo na ako isipin." Sabi ko sakaniya at tumango lang siya. Nilapitan niya ang mama niya sa may kama at niyakap tsaka pinakalma.

**

"What happened!?" Sigaw ni tito Daniel nang makapasok siya sa kwarto. Kita ko na pawisan siya at mukhang galing sa meeting o trabaho dahil naka suit and tie pa ito.

"I... Mom... Someone trespassed in mom's room while we're gone." Naguguluhang sabi ni master at agad naming lumapit si tito Daniel kay tita Kath at niyakap ito.

"Ako nang bahala sa mama mo. Check the CCTVs and ask the guards! How come... ugh!" Medyo frustrated na sabi nang papa niya at tumango nalang kami. Lumabas na agad kami at sinunod ang sinabi nang papa niya.

Na-check na namin lahat pero wala. Walang nakuhang tao. Malinis lahat, malinis ang front door, ang back door, sa may terrace at sa may garden.

"Mom's balcony!" Napasigaw na sabi ni master at agad na chineck ang CCTV doon. Ang dami nilang CCTV.

Halos manigas ako dahil sa kilabot nang makita ko ang isang pigura nang isang babae. Para siyang propesyonal na umakyat sa may balcony at napatingin pa siya sa camera. Madilim ang paligid kaya hindi nakunan nang CCTV ang mukha niya isama pa na naka all-black siya.

Kagulat gulat pa na kumaway pa siya sa camera bago pumasok. Dumaan ang ilang minuto ay lumabas na ito at nang matapatan nang konting liwanag ang mukha niya ay kitang kita ko ang ngisi niya sa labi. Hindi padin naming siya naaninang dahil naka shades siya.

Nakakatakot siya.

Sa mga nangyayare ngayon, parang ayokong mang iwan. Parang mas gusto kong manatili sa tabi niya at tulungan siyang lagpasan lahat nang ito.


Pero hindi pwede.

**

"Sagutin mo ako nang maayos ah? M-may napatay ka na ba?" Seryosong tanong ko sakaniya habang nakaupo kami sa may stool sa may mini bar nila.

Natahimik siya bigla at biglang namutla. Lalo naman akong kinabahan dahil sa nagging reaksiyon niya.

"W-wala." Alanganing sabi niya na lalong nagpahinala sa akin.

His SlaveWhere stories live. Discover now