Chapter 66

51.4K 752 79
                                    

(Edited)


Julia's POV

Alas singko na nang hapon.

"Juls, Mamaya, mamayang alas siyete ng gabi, kailangang maayos mo na ang gamit mo. Para makapag pahinga ka. Ang kulit kulit mo talaga! Diba sinabi ng doctor mo na bawal kang magpuyat! Hay! Nakaka-tsk! Ang kulit mo."

"Hehehe, pasensiya na kuya. Gusto ko lang talagang mas pahabain ang oras ko kasama siya."

"I know na masakit Juls. Kahit ngayon lang tayo nagkasama, magkapatid tayo eh, kaya ramdam kita. Before you think of him, think of yourself first. Please, kahit ngayon lang. Sarili mo muna ang isipin mo."

He knows? No, He'll never know how it hurts for me.

"If you don't want him to know then you have to deal with the consequences. I don't want to judge your decision Juls, pero sana mapanindigan mo kung ano man ang kalabasan." Aniya.

"Opo kuya. Alam ko naman. Sige po. Nandito na rin si Kris. Ma-magpapa alam lang ako."

"Sige. Kaya mo yan Juls, kakayanin mo yan."

Binaba ko na ang phone. Kausap ko si kuya MJ. Isang oras nalang, isang oras nalang. Wala na. Paalam na?

"Why are you crying again?! Did you miss me that much? I'm sorry! H-here's your ice cream...sshh I'm sorry." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Nandito kami sa may Manila Bay, nakaupo lang. Pinapanood ang mga taong naglalakad, masaya. Ang mga couples na kilig na kilig sa isa't isa.

"Hey baby. Stop looking at them. You want a hug too?" Naiinis na sabi niya sabay nag open arms. Tumango nalang ako, sabay yumakap sakanya. Dun ako umiyak ng umiyak. Bahala na. Pagod na rin akong pigilin ang mga luha ko. Pagod na akong magpanggap na malakas sa harap niya.

Nanatili kaming ganon lamang. Hindi ko alam kung gaano katagal, pero pakiramdam ko kulang padin. Na ayoko pa, hindi ko pa kayang bumitaw sakaniya. Pero ika nga nila...


Walang forever.


Napatingin ako sa araw, papalubog na ito. Bumitiw na ako sa yakap niya at umiwas ng tingin sakanya.

"Ba-Kris." Tawag ko sakaniya na nakatingin din sa araw.

"Hmm?" Tanging sagot niya at nakangiting nilingon ako.

"Let's wake up."

"Huh? But we are awake."

"No, we're just... dreaming. You're just dreaming."

Nagtataka niya akong tinitigan at tumayo na ako mula sa pagkakaupo.

"Let's stop this." Sabi ko at tumayo na din siya.

"What? Eating ice cream? You want to go home? Then let's go home." Sabi niya at kukunin n asana niya ang kamay ko kaso iniwas ko iyon.

"Let's break this fake relationship. This pretending feelings. Let's stop this before we hurt each other more."

Tinitigan niya lang ako at halos pigilin ko na ang sarili kong huminga nang may luhang tumulo sa mga mata niya.

His SlaveWhere stories live. Discover now