Prologue

31K 952 36
                                    

The
Ruzzia Rafael Montereal
&
Deireen Luz Masaga
Story

TheRuzzia Rafael Montereal&Deireen Luz MasagaStory

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

----

Nothing beats high school

Deireen

Sandamakmak na tissue ang itinambak ng bestfriend kong si Skye nang magsimula na akong ngumawa sa harapan niya. Sa isang taon ng pagsasama namin, nakagawa na kami ng sarili naming routine. Una, kapag namumula na ang ilong ko, bubuntong-hininga na siya, kapag ngumawa na ako at pumalahaw ng iyak, maglalabas na siya ng tissue at pangatlo, kapag hinihika na ako kakaiyak, yayakapin niya ako tapos ay pagagalitan dahil sa katangahan ko.

It was annoying and at the same time calming. Alam ko kasi na after nito, maaayos lang din ang lahat. Babalik sa normal ang mga pangyayari at magsisimula na naman akong muli.

"Titigil ka o isusumbong kita?" tanong niya nung nagsimula na naman akong sumikdo.

"T-titigil.." hikbi ko habang patuloy na sinusubukang kalmahin ang sarili.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong niya sabay kuha ng tissue paper at pinunasan ang sipon na tumulo sa ilong ko.

"Na-nakita ko na naman siya!" umiiyak kong sumbong habang marahas na pinupunas ang mga luhang nagsimulang tumulong muli.

"At?"

"At may kasama na namang babae! Hindi lang isa kundi dalawa Skye! Dalawang babae! Ilan bang ari ang meron siya at nagagawa niyang magdala-dalawa!?" naaasar kong bulyaw.

"Hay naku, ano pa bang bago dun? Ganun naman talaga yun kahit noon pa e. Di ka na nasanay." sagot niya.

Umismid ako. "Wala ngang bago dun, pati nararamdaman ko hindi rin nagbabago. Ganun pa rin, paulit-ulit na lang." reklamo ko sa sarili.

Ilang beses ko na bang sinubukang kalimutan si Ruzzia? Isa? Dalawa? Sampu? Dalawampu?

Hindi ko na mabilang.

Pero sa huli sa kanya pa rin ang bagsak ko. Napaka! Nakakagigil ang katangahan ko.

"Oh, ayusin mo ang sarili mo, he-who-cannot-be-named is approaching." saad niya nang magawi ang tingin sa harap.

Napaupo ako ng tuwid habang ang unti-unting inaayos ang nagusot kong palda. Agad ko ring tinuyo ang mga mata ko at itinago ang mga nagamit na tissue sabay guhit ng pekeng ngiti sa labi.

Pekeng ngiti na agad ding napalitan ng tunay na kaligayahan ng tapunan niya ako ng tingin at ilabas ang malalim niyang biloy sa pisngi nang siya ay ngumiti.

Ang normal na tahip ng puso ko ay agad na napalitan ng karera ng kabayo, halos mapatid ang hininga ko sa bilis niyon. Agad kong kinuha ang tubig na nakasukbit sa bulsa ng bag na dala ko at lumagok doon ng hindi inaalis ang tingin sa anghel na dumaan. Pawisan ang noo ko at hindi ako mapakali. Kulang na lang ay ipagsigawan ko sa mundo na tinitigan ako ni Ruzz at nginitian.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017On viuen les histories. Descobreix ara