47

11.3K 281 8
                                    

Ruzz

"Wohoo!!" narinig kong sigaw niya ng may malaking alon na humampas sa dalampasigan. Sabay naming sinalubong iyon at sumisid sa ilalim kung saan wala na ang lakas ng agos at nang kapusin kami ng hininga, saka lang namin itinaas ang mga ulo namin mula sa dagat.

Binalingan ko siya ng tingin saka itinaas ang hintuturo ko upang itanong kung ayos lang siya, na ginantihan niya din ng kaparehong senyas.

Good. I think it's time that we swim back. Hindi ko sigurado pero parang lumalaki ang mga alon sa dagat at mas lumalamig ang tubig. Kahit hindi ko nakikita ang langit dahil madilim na, alam kong natatabingan iyon ng makakapal na ulap dahil wala kahit isang bituin akong nakikita.

Itinaas ko ang kamay ko sa aking bibig sabay sigaw ng malakas upang marinig niya sa kabila ng malakas na ingay ng tubig.

"Tara na! The wave's getting higher!"

Umiling siya at itinaas ang kamay. "One more!" sigaw niya.

Pipigilan ko pa sana siya ng biglang may dumating na namang malaking alon na tumabon sa amin pareho. Hindi ako handa, kaya't napailalim ako ng hindi pinupuno ang katawan ko ng hangin. Agad akong sumipa pataas upang huminga.

Hinagod ko ng tingin ang paligid.

Wala ang katawan ni Dee sa ibabaw ng tubig.

Umikot akong muli, at umikot muli para siguraduhin ang obserbasyon ko ngunit wala talaga akong nakikitang katawan.

"Dee!"

Kinakabahang nilangoy ko ang lugar na huli kong kinakitaan sa kanya.

"Dee!" patuloy pa rin ako sa pagtawag. "Dee! Damn it, where the hell are you!?"

I was aware that my feet are getting tired from all my furious treading but I didn't went to shore. Hindi ako pwedeng sumuko. Hindi pa matagal ng huli ko siyang makita at hinuha ko ay napulikat lang siya at hindi na makalangoy ng mabuti.

Sumisid akong muli at hinanap siya sa paligid. Kahit na masakit ang tubig alat sa mata, pinilit ko ang sarili kong tiisin iyon para lang mahanap siya. Mas mabuti nang mawalan ako ng paningin kaysa ang mawala siya sa akin.

Pero ang OA ko naman. Hindi naman nakakabulag ang tubig alat.

Sa huli, nakakita ako ng kulay puti sa hindi kalayuan. Agad akong lumangoy patungo doon at hindi nga ako nagkamali, iyon ang bulto ni Dee. Wala na siyang malay ngayon at hindi na rin gumagalaw.

Agad ko siyang itinaas at inalalayan ang kanyang mukha upang manatili iyong nakalutang habang ang isang kamay naman ang ginamit ko upang ilangoy kaming dalawa patungo sa pampang. Habol na ang hininga ko ngayon dahil sa pagpipilit kong maging mabilis at mabigyan siya ng paunang lunas.

Nang maitapak ko ang ang mga paa ko sa buhanginan, walang pasintabing pinangko ko siya at tinakbo sa tuyong buhangin.

Natataranta ngunit maingat pa rin ang pagkakahiga ko sa kanya doon, maya't maya ay tinatapik ang kanyang mukha upang gisingin siya.

Nang wala pa rin akong makitang pagbabago, inayos ko ang pagkakahiga niya upang mabugahan ko ng hangin ang kanyang baga at ng magawa ko din ang CPR.

Parang pinipiga ang puso ko dahil sa kaba. Ganitong-ganito din ang nangyari sa kanya noong inatake siya sa puso. Walang imik, walang malay, nakahiga lang sa sahig (ngayon naman sa buhangin) at hindi humihinga.

God, please, not again. Not again. Paulit-ulit kong dalangin sa aking utak.

Akmang ilalapit ko na ang aking labi sa kanyang mukha ng biglang magbukas ang kanyang mga mata, at sumirit ang tubig sa kanyang bibig. Pagkatapos ay bumunghalit siya ng tawa na animo'y ang  galing galing ng naisip niyang pangloloko.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now