12

11.8K 370 11
                                    

Deireen

The second time I woke up was a lot better than the first. Una, mas maganda na ang pakiramdam ng katawan ko kumpara ng kahapon at mas malakas na ako ngayon.

A face was hovering over me so I decided to let my eyes adjust dahil may kalabuan pa ang paningin ko mula sa pagtulog. Kumurap-kurap ako ng ilang sandali at nang luminaw sa akin kung kaninong mukha iyon, I almost stumbled in haste.

"Mommy!"

Inilagay niya ang kanyang daliri sa bibig ko, signaling my silence and then continued listening to the doctor.

May katagalan na simula nung huli kaming magkita at nag-aalalang sinipat ko ang kanyang katawan. She's grown a little thinner than before at may mangilan-ngilan nang puti sa kanyang buhok. I've never remembered her looking like this --  a little too old for my liking.

Palaging iniisip ko na hindi tatanda si mommy. Since I was a child till the last time na magkita kami, she has always been the same. Ngayon lang yata siya tumanda sa paningin ko.

Her expression as she was listening can only be described as worry and determination. Nakakunot ang noo niya habang ang kanyang mga labi ay nakalapat sa isang matigas na linya. The doctor must have already told her about my decision.

Still, hindi na siya dapat pang magulat. We've already talked about this.

I am only getting a transplant kapag may pag-asa na ako. Kapag ang hinaharap ay nangangakong magiging mabuti para sa akin.

I am a coward, yes.

Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa naman mabuhay at makitang kahit kailan ay hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko.

"So Mrs. Masaga, we really have to do something to change her mind or else, tuluyan na siyang magpapaalam sa inyo."

Nakita kong namasa ng luha ang mga mata ng mommy ko dahil sa huling sinabi ng doctor. She looked at me then, and in her eyes, I can see her imploring me to think things through. Bago pa magbukas ang kanyang bibig, alam ko na kung anong sasabihin niya.

"Dee, please baby, let's have a transplant, huh? Narinig mo ba yung sinabi ng doctor? Your next attack could be your last." pagmamakaawa niya sa akin.

Ngumiti ako ng banayad sa gawi niya. I think nobody can ever change my mind now. I'll just have to wait. For me, death is sweeter knowing that you will finally leave the pain behind.

Maybe heaven is where I'll finally move on. Baka andun yung forever ko.

"We've talked about this right?" mahina kong saad. "We have already decided before I came back from the US."

Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko, ang kanyang mahabang kuko ay naramdaman kong bumabaon doon pero hindi ko na rin inalintana ang sakit.

"I want you to live! Deireen.. Dahil lang ba sa isang lalaki kaya ipapariwara mo na lang ang buhay mo?" tumaas ang boses ni mommy.

I know she hated Ruzz. Kahit noon pa man. Inagaw daw ako nito sa kanya. Sinaktan daw nito ang baby niya at kung bibigyan lang siya ng isa pang pagkakataon, gagawin niya daw ang lahat para saktan din ito. She told me once na si Ruzz daw ang malamang na naging dahilan kung bakit may sakit ako sa puso.

Tinawanan ko na lang siya. Whatever I have, I got it since birth. Kaya kung sisisihin niya si Ruzzia sa sakit ko, ibig sabihin ba nun, noon pa man ay sinasaktan na ako nito? Kahit bago pa kami mabuhay sa mundong ito?

Itinaas ko ang kamay ko at hinaplos ang kanyang mukha.

"I'll stay by your side for my last two weeks." saad ko na lang sa kanya. "We will be making our memories para kapag wala na ako, hindi mo ako mamimiss ng sobra kasi may maaalala ka tungkol sa akin."

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now