18

12.7K 399 23
                                    

Deireen

"Where the hell is she!?" narinig ko ang marahas na pagkalabog sa loob ng opisina kasabay ng malakas na sigaw na iyon.

Medyo nahuli ako ng kaunti sa pagpasok ngayon dahil sa nangyari kagabi. Isa pa, medyo nanghihina ako kaninang umaga pagkagising ko dahil na din siguro sa alcohol na nainum ko kasama si Zed bago niya pa nalaman ang tungkol sa sakit.

Kung alam lang ni mom ang ginagawa ko sa buhay ko, baka kanina pa iyon sumulong at kinaladkad ako pabalik sa poder niya. She would not tolerate such blatant disregard for life.

Yes, I am a freakin' masochist.

Maliban dun, suicidal din yata ako.

Because I don't care about my life now. God can kill me on the spot and I won't even blink. I think I will be glad as it is. Atleast diba, tapos na ang sakit na dinaramdam ko araw-araw sa puso ko.

Nag-aalangang humakbang ako palapit sa opisina na mukhang may gulo at may nag-aaway base sa mga naririnig ko sa labas. May ilang mga empleyado ang napatunghay sa gawi ng opisina ni Ruzz dahil sa panggigilalas. He is not the kind of man to burst with emotion and anger, usually, banayad siya at flirt. Nakakapanibago sa kanila ang ganitong ugali niya --- pero hindi sa akin.

This is his usual mood with me.

Meaning ako ang iniisip niya.

Strangely, the thought made me smile. Naaalala ko na kapag naiinis nga pala siya at nagagalit, ibig sabihin lang nun ay ako ang nasa isip niya.

Huminga ako ng malalim saka muling inulit ang sinabi ko sa sarili kanina sa salamin bago ako umalis sa bahay.

Act natural Dee. Masigla ka. Malusog ka. Wala kang sakit. Hindi ka nasasaktan. You are still the Dee that he has come to know. Aalis ka na parang gaya ng dati, masaya, may pag-asa at tumitingin sa mga susunod na pagkakataon na magkikita kayo, kahit ang totoo ay hindi na. Wag kang papahalata please. Wag papahalata.

I clutched at my shoulder bag with enough force to whiten my knuckles. And then I turned the knob tentatively, nakahanda na baka may biglang lumipad na muebles sa gawi ng pinto. Una kong ipinasok ang ulo sa loob at hinayaan ang katawan ko na manatili sa labas. Mahirap na at baka kailangan kong tumakbo, mas mabuti nang handa ako.

I saw him tense when he heard the door open and then his eyes travelled excruciatingly slow to the place where I stood. The face that I saw was filled with passion and intense emotion that I can't seem to place. Marahas din ang paghinga niya habang nakatingin sa mga kalat na ginawa niya sa paligid.

Napasinghap ako ng makita ang nangyari sa loob. Mukhang binagyo ni Yolanda ang loob ng kanyang opisina sa sobrang gulo. Nagkalat ang mga papel sa sahig habang ang ilang mamahaling figurine ay basag at mukhang wala nang pag-asa pang maibalik sa dati nitong kaluwalhatian.

Lumunok ako ng ilang ulit bago nagsalita. "G-good morning Sir?" bungad ko habang sinusuri ng mabuti ang mga dapat ayusin.

Napabuga ako ng hangin sa dami ng nagkalat na papel. Nanghihina na nga ako tapos dadagdagan niya pa ang gawain ko.

"Dee.." the relief was evident in his voice kaya nangunot ang noo ko. Just what the heck does that mean? Akala niya ba hindi na ako papasok ngayon?

"Mukhang mainit ang ulo niyo ah? Here.." ibinigay ko sa kanya ang dala kong kape na agad niya namang tinanggap gamit ang dalawa niyang kamay, cradling it almost... reverently.

Inilapit niya iyon sa kanyang bibig.

"Oh wait! Mai--"

Sasabihin ko sana na mainit iyong kape pero naunahan niya na ako, at bago ko pa man matapos ang sasabihin ay naubos niya na iyong umuusok na tasa.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now