38

11.3K 304 29
                                    

Ruzz

The swell of the crowd was a little suffocating as they beat with the music.

Inilibot ko ang paningin sa paligid upang hanapin ang pamilyar na bulto ng katawan ni Dee. Instead, all I see are groups of men and women swinging with the tune, their hands in the air and their bodies vibrating with excitement and not a little amout of alcohol.

Napabuga ako ng hangin.

So much for not letting her go. Ni hindi ko na nga siya mahanap ngayon.

Mula sa likuran ko ay may humawak sa aking braso. Ang nakakunot kong noo ay napalitan ng malapad na ngiti at humarap ako para batiin siya only to be severely disappointed.

Nalaglag ang ngiti sa aking labi at napalitan ng pangangasim ang mukha ko ng mapagtanto na hindi naman pala si Deireen ang nasa likuran ko but some random girl from the club looking for a one night stand.

"Hi handsome." bulong niya habang pinalalakad ang daliri sa aking braso. "You wanna go somewhere with me?" kinagat niya pa ang pang-ibabang labi at ang kanyang mga mata ay namungay na parang inaantok.

Nangilabot ako.

Damn it.

Pinilit kong ngumiti sa babae at marahang tinanggal ang kanyang kamay na noon ay nakalingkis na sa aking braso.

"I'm sorry. Already married." simple kong paliwanag.

Napasinghap siya at halata ang pagkapahiya sa kanyang mukha dahil agad siyang tumalikod at kulang na lang ay takbuhin niya ang palumpon ng mga kababaihan na mukhang pinapanood kaming mag-usap.

Ah, it's a fucking dare.

Napabuga ako ng hangin. Pity how socialites has degraded over the years. Mga anak mayaman. Mga ipinanganak na may ginintuang kutsara sa mga bibig nila. Mga taong walang ibang ginawa kundi magpakasaya at maghanap ng kaligayan na nabibili ng pera.

Umiling-iling ako at muling hinanap si Dee sa paligid. Itinaas ko ang tingin sa second floor na kung saan naroroon ang VIP section. And surprisingly, her eyes are the very first thing that caught my attention.

Dee's. They seem to be glowing in a weird almost predatory way.

Nakatingin din siya sa akin pero hindi ko mabasa ang nakasulat doon dahil medyo may kalayuan at patay sindi ang ilaw. But the curl of her lips when she smirked at me. Now that I can read. Perfectly.

I clenched my jaw.

May mga katawang tumatama sa akin dahil nasa gitna ako ng mga nagsasayawang tao ngunit hindi ko iyon inalintana. Nanatiling nakatitig ang mga mata ko sa kanya.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nagkatitigan ngunit natigil din iyon ng gumalaw siya at umalis sa pagkakasandal sa balustre ng ikalawang palapag. She inclined her head inwards and I knew she wanted me to come to her.

Nang marating ko ang ikalawang palapag, may sumalubong sa akin na isang babae at dinala ako sa medyo tago at malayo sa gulong lugar. Sakto lang ang ilaw dito, at hindi masyadong malakas ang ingay na nagmumula sa dance floor. Sa gitna ng mesa ay nakalagay ang isang kulay lilang kandila at sa magkabilang panig ay may tag-isang flute ng champagne para sa aming dalawa.  Ang isa dito ay kasalukuyan niya nang iniinom.

Nakaupo na siya sa kanyang upuan at ni hindi man lang siya tumunghay ng marinig na dumating na ako. Sa halip ay patuloy niyang iniikot-ikot ang daliri sa bukana ng kanyang baso at malayo ang iniisip.

"Penny for your thoughts?" nakangiti kong tanong.

Saka lang siya tumunghay sa gawi ko ngunit otomatikong nakataas na ang kaliwa niyang kilay.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now