16

12.2K 347 24
                                    

Deireen

Isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa amin matapos ang nangyari. Nakaupo lang ako sa tabi at nakatulala habang si Zed naman ay maya't maya ang sabunot sa buhok.

Naaawa ako sa kanya, lalo at kaibigan ko siya at alam ko ang pakiramdam ng hindi ka minamahal ng taong mahal mo.

Alam na alam ko.

"Zed.." untag ko nang mapuno na ako sa kakaibang katahimikan.

"Don't. Wag ka munang magsasalita. I need a moment... please."

Itinikom ko ang bibig pagkatapos nun at hindi na muli pang nagsalita. My heart is breaking inside of me. Dati iniisip ko na ang pinakamalalang pwedeng mangyayari sa isang tao ay ang habang-buhay kang masasaktan, ngayon hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung alin ang mas malala, ang masaktan ng taong mahal mo, o ang manakit ng taong nagmamahal sayo.

Kasi habang tinititigan ko si Zed, pakiramdam ko ay gumuguho din ang mundo ko. I can't bear to see him in pain, but I can't also make him hope that there is a future between us.

Kasi kung hindi lang naman si Ruzz, mas mabuti na ang wala.

"I have to go Princess. I'll see you in the morning." saad niya sabay tayo. Nakita kong medyo gumiray siya kaya agad akong dumulog para umalalay.

"I don't think you can drive in this condition. Dito ka muna matulog." turan ko.

Umiling siya saka kinalas ang pagkakahawak ko sa kanyang braso.

"I'll be fine. Wag mo na akong ihatid sa labas. Kaya ko ang sarili ko."

"No. Kung ayaw mong matulog dito, hayaan mo akong ihatid kita sa labas. Please Zed. I don't want our friendship to get ruined."

Napatitig siya sa akin and then he grunted but didn't say a word.

I opened the door and waited for him outside. Malamig ang simoy ng hangin at medyo malakas din iyon, na para bang may paparating na bagyo. Madilim ang paligid, maliban na lang sa sensor light na nagbukas ng maramdaman ang presensiya ko, ngunit ang tanging nasasakop lang niyon ay ang lugar sa harap ng aking kwarto.

Tumingin ako sa gawi ni Zed. Ang ulo niya ay nakaluyloy na parang pagod na pagod na sa mundo. At marahil iyon mismo ang nadarama niya ngayon.

Nang tumunghay siya, napasinghap ako ng makita ko ang mga guhit ng palad ko sa kanyang pisngi.

"Zed, hindi pa pala natatanggal, oh my god, I'm so sorry." hinaplos ko ang mukha niya at iniharap sa ilaw. Medyo nawawala na ngunit ang pamumula ay matingkad pa rin, na parang nagngangalit.

"Wala yun ano ka ba. Sanay na ako sa mga kalmot ng kuting." saad niya sabay ngiti.

Kahit may malaking trapal ng kalungkutan na nakatabing sa puso ko, hindi ko pa rin napigilan ang tawa na kumawala. Ngunit agad ding nawala ang tawa at napalitan ng kalungkutan.

Napahawak ako sa damit ko para humugot ng lakas. Hindi na ako pwedeng umiyak, sawang sawa na akong umiyak.

"I don't know how to make things okay. But I know everything will be fine. I'm sorry for causing you pain, but I am not the ---"

Hindi ko natapos ang sasabihin kasi inilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko na parang pinapatahimik ako.

Kasabay nito ay ang bigla ring pagbukas ng pinto ng unit na katabi ko kaya nagbukas din ang sensor light sa harap niyon. Naligo ng liwanag ang pasilyo naming dalawa.

Nakita ko ang pagguhit ng pagkabigla sa mga mata ni Zed, mas halata dahil sa liwanag ng paligid.

Agad niyang hinawakan ang beywang ko at umikot upang matakpan ng katawan niya ang paningin ko sa harap. Hindi ko tuloy nakita kung sino ang lumabas, lalo at nakakatawa ang reaksiyon niya ngayon.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now