11

11.8K 372 20
                                    

Deireen

Nagising ako sa isang kwarto na puro puti ang paligid. Sa kaunting panahon ay sumagi sa isip ko kung natuluyan na ba talaga ako at dinala na ako sa langit dahil sa aksidenteng nangyari. Kung langit na nga ito, wala naman palang pinagkaiba sa mundo. Meron din kasing kama, mesa bintana at malamyos na hangin. Inilibot ko ang paningin sa paligid.

"Miss Deireen." isang boses ang bumasag sa katahimikan ng paligid.

Lumingon ako at nakita ko ang isang lalaki na nakakulay puti na roba. Hinuha ko ay siya si San Pedro.

"Nasa langit po ba ako?" tanong ko gamit ang namamalat na boses.

Narinig ko ang marahang tawa niya bago nagsalita.

"Fortunately, nasa ospital ka pa lang. You had an accident, can you remember it clearly?" tanong niya.

Naalala ko yun, oo, yung si singkit na maduga na pinutok ang gulong ko. Yung paulit-ulit kong paglaban kahit ayaw na ni Elle at ganun na rin yung lahat ng nangyari bago ang drag race.

Yung nangyari sa opisina. Sadya yatang masokista talaga ang utak, sukat ba namang pagkasabi nun ng doctor ay biglang nag-flashback sa isip ko ang lahat ng nangyari doon.

Pagkatapos kong tumakbo palabas ng empire, ang lugar na pinagdausan ng isa sa pinakamasakit na rejection sa buong buhay ko, tinahak ko ang parking lot para dumiretso sa drag race.

Hindi ko pa nun alam kung paano magmamaneho ng wala sa sarili pero wala na din naman akong pakialam. Handa na akong mamatay sa mga oras na iyon. Gusto ko nang maglaho ng habambuhay sa mundong ito para matapos na din ang sakit.

Marahas na pinalis ko ang luhang naglandas sa aking mukha saka tumigil sa harap ng kotse. Napaupo ako sa tapat niyon, nakatakip ang dalawang braso sa mga mata at nagpapalahaw ng iyak. Iyong tipo na ginagawa ng mga bata kapag kunwari ay naiiyak sila at tinatakot nila ang mga nang-aaway sa kanila. Ang pagkakaiba lang ay, ang sa akin, hindi nagkukunwari. Totohanan na palahaw ang pinakakawalan ko.

"Bakit sa lahat ng pagkakataon, ngayon ko pa maiiwan ang bag ko? Bakit ngayon pa naiwan ang susi ng kotse ko?!" iyak ako ng iyak habang sinasabi ko ang mga katagang iyon.

"Bakit.. Bakit.."

"Dee.." narinig ko ang boses ni Ruzzia sa aking tabi kaya natigil ako at nanigas sa aking kinauupuan. Hindi ako tumunghay mula sa pagkakayuko ngunit pinakikinggan ko ang mga galaw niya.

Natigil ang ingay ng pag-iyak ko, pero nagpatuloy lang ang pagdaloy ng luha.

"I'll bring you home. Come." bulong niya sa akin sabay hawak sa braso ko.

Nakaramdam ako ng kakaibang galit.

Bakit ba nagiging mabait siya? Bakit ba kung makaakto siya ngayon, akala niya santo siya!

Kung sana sinigawan niya ako sa pambabasted niya sakin, hindi sana ganito kalala ang sakit. Ngayon ko lang napatunayan na mas mabuti palang ipagtulakan mong palayo ang isang tao gamit ang galit kaysa maging mabait ka sa kanya habang unti-unti mo namang dinudurog ang puso niya.

Marahas na umigkas ang braso ko para tanggalin ang pagkakakapit niya doon.

"I'll bring myself home. Thank you." saad ko sa kabila ng pagsigok.

"Hindi, I'll bring you home please."

Napatayo ako sa narinig.

"You're acting as if nagmamakaawa ka?" hindi ko makapaniwalang sambit. "Bakit? Mababawasan ba niyan ang sakit na nararamdaman ko dito!?" sigaw ko sabay turo ng dibdib ko.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt