48

9.5K 270 35
                                    

Ruzz

Bumalik ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay nahiga ako sa kama at pinilit ang sarili kong matulog.

It was almost 30 minutes and she's not yet getting out of the bathroom kaya bahagya akong nakadama ng guilt dahil sa ginawa ko, but hurt and pride are stubborn reasons so I didn't get up and looked.

After another thirty minutes and she's not yet out, nagsimula na akong mag-alala. Tinanggal ko na ang kumot na nakatakip sa pang-ibaba kong katawan at inilagay ko na din ang mga paa ko sa tsinelas sa tabi ng kama. Tatayo na sana ako at pupuntahan siya ng biglang bumukas ang pinto.

Parang maliit na batang nadakip na gumagawa ng masama na agad-agad kong ibinalik ang mga paa ko sa kama at inayos ang kumot. Pagkatapos ay nagkunwari akong natutulog habang pinagmamasdan siya mula sa maliit na hiwa ng aking mga mata.

Nakita kong pagkalabas niya ng banyo, tumayo muna siya ng matagal sa labas ng pinto at pinagmasdan ang natutulog kong bulto. Hinuha ko ay sinusubukan niyang siguraduhin na tulog na nga talaga ako bago siya dahan-dahang lumapit sa closet. Halatang naligo na siya dahil nakatapis na lang ang isang maliit na twalya sa katawan niya. Kumuha siya ng manipis na damit pantulog saka isinuot iyon. Pagkatapos, lumapit siyang muli sa kama kung saan ako nakapwesto.

She mentally struggled with an inner battle before finally coming to a decision wherein she took her pillow and the extra sheet and tip-toed towards the door.

My heart which has been bruised, broken and bleeding gaped inside with a wound so big, I swore it would take a lifetime to heal.

Ayaw niya na akong katabi pagkatapos ng ginawa ko sa kanya. She could very well be afraid because of my callous attitude. And knowing that I hurt her was even more hurtful for me. Still, saying sorry is so hard, I have to gather up courage before finally following her to the guest room.

Nang dumating ako, nakatagilid na siya ng higa patalikod sa pinto kaya hindi niya ako nakita. Pero alam kong narinig niya ako dahil nakita kong nanigas ang kanyang mga balikat at bahagyang bumilis din ang kanyang paghinga.

Lumapit ako sa kama ng hindi nagsasalita pagkatapos ay lumuhod sa tabi niyon. Ipinatong ko ang siko ko sa kutson habang ang mga tuhod ko ay nagpipinetensya sa matigas na sahig. Gusto ko siyang hawakan kaso natatakot ako. Takot na takot ako na baka lalo ko siyang masaktan.

Lumabi ako, tumihim saka sinubukang ayusin ang gusot na ginawa ko.

"Dee? Gising ka ba?" panimula ko, pagkatapos ay dinuro ang sarili.

Ay oo Ruzz, kasi aamin siya na gising siya kahit galit na galit siya sayo. Mag-isip ka dude!

Tumikhim akong muli.

"Dee.. I'm sorry baby."

Hindi pa rin siya gumagalaw o nagsasalita man lang. Kung hindi pa dahil sa marahas niyang paghinga, iisipin ko talaga na tulog na siya at walang kwenta itong ginagawa ko.

Umulit pa rin ako.

"Dee.. I know you're awake. Pakinggan mo naman ako please. Sorry na po.." parang batang humihingi ako ng kapatawaran. Kulang na lang ay ngumuso ako umiyak para pakinggan niya lang.

I didn't hear it. I didn't see her shoulders twitch but I know that she's crying. I know that she's shedding silent tears and that her pillow bears the pain that she feels in her heart.

Lalong nadurog ang puso ko.

Hindi na ako nag-isip pa. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod, naupo sa kama at sinubukan siyang iharap sa akin.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now