42

10.4K 291 31
                                    

Ruzz


"Dito na lang kami Ruzz. Alam mo naman kung asan iyong bahay diba?" tanong ni Kier nung iparada niya ang sasakyan sa kuta ng grupo ni Cade.

Tumango ako bago inayos ang pagkakahiga ni Dee saka lumabas ng kotse para dumiretso sa driver's seat. Binuksan ko ang pinto saka pumasok pagkatapos ay ibinaba ang salamin upang makausap ko sila.

Kier and Win are both standing by the window.

"Thanks brothers. I owe you one."

Tumaas lang ang kilay ni Kier bilang sagot habang isang mahinang tango naman ang ginawa ni Win. Kumaway ako gamit ang dalawang daliri ko sa kaliwang kamay saka pinaharurot ang sasakyan paalis. Mula sa rearview mirror, nakita kong nag high five pa ang dalawa na parang tuwang-tuwa sa pang-aabduct ko kay Dee bago sila tuluyang pumasok sa bahay.

"Dee, I just hope that when you wake up, you will see the wisdom of this. And fuck please lang, umamin ka na na ikaw si Dee. I am loosing my mind baby." bulong ko bago itinuon ang isipan sa pagmamaneho ng sasakyan papunta sa lugar ni Kier.

Dumating kami bandang alas siete ng umaga at alam kong hindi na magtatagal at gigising na si Dee. Agad kong binuksan ang main door ng bahay, kinuha ang duffel bag ni Dee saka dahan-dahang inayos siya upang makarga ko paakyat. Mabuti na lang at ang kapit-bahay namin ay nasa limang milya pa ang layo dahil kung hindi, ang unang tao na makakita sa pagkarga ko sa walang-malay na si Dee ang magdadala sa akin sa kulungan.

Dinala ko siya sa master's bedroom, inayos siya ng pagkakahiga bago inalis ang kanyang roba at sinecure ang paligid.

One of the reasons why I have chosen this house is because of its state of the art security. Iyong tipo na isang pindot ko lang sa remote control, maglolock na agad ang mga pinto pati na ang mga bintana kaya hindi ako mag-aalala na makakawala si Dee ng hindi ko nalalaman. And given her animosity towards me, alam ko na hindi magiging madali ang unang mga araw ng aming samahan.

I was awake most of the night so when I saw her sleeping quietly, bigla akong tinamaan ng antok. Pero alam kong gugutumin siya kaya isinara ko ang pinto at tinahak ang daan patungo sa kusina.

I stacked the fridge yesterday after I went out of Cade's house kaya wala akong problema na mawawalan kami ng pagkain sa mga susunod na araw. Kumuha ako ng itlog, bacon saka sliced bread, tinoast ko ang tinapay pagkatapos ay iniluto ang bacon at itlog sa mantika. And then, I put it on the table with a note.

Paalis na ako upang bumalik sa master's bedroom ng biglang bumukas ang pinto ng kusina ng sobrang lakas at iniluwa niyon ang galit na galit na mukha ni Deireen.

Alam kong galit siya, pero hindi ko pinansin iyon. Walang mangyayari kung pagtutuunan ko ng pansin ang kanyang galit. "Good morning baby! How's your sleep?"

Nanlaki ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko bago iyon nagbukas at sara. Gayunpaman, walang salitang namutawi sa kanyang bibig.

"I say, sobrang ganda ng tulog mo kaya hindi ka makapagsalita. Come and eat."

"Eat!" sigaw niya ng mabawi ang dila. Marahas ang paglabas masok ng hininga sa kanyang baga at nag-aalala ako na baka bigla na lang siyang bumulagta sa harap ko.

Minsan, nakakalimutan kong iba na pala ang puso niya. Hindi na siya gaya ng dati.

"Yes baby eat! Halika na." saad ko sabay ayos ng uupuan niya sa mesa.

Ang kaso, sadyang galit na galit talaga siya kaya imbes na lumapit, inilayo niya ang sarili sa akin na parang natatakot siya sa kung anong pwede niyang gawin kapag nahawakan niya ako.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now