41

9.9K 290 14
                                    

Ruzz

Sunod na araw..

"Sigurado ka bang hindi niya pa pinapalitan ang code sa pinto?" bulong ng lalaking nakaitim sa tabi ko.

Nanlilisik ang mga matang nilingon ko siya. "Winter, hindi ko nga sigurado. It was a week or two at most since the last time and I'm not sure if she has already changed it."

Narinig kong nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga saka nagsalita muli.

"Damn. Sayang yung mini-bomb ko, hindi ko nadala."

"Gusto mong gisingin ang buong building, gago ka?" ito naman ay galing kay Kier.

My shoulders stooped low. God, why does it have to be this two? Dapat si Reeve at Ashton na lang ang sinama ko para walang ingay.

But this two are my closest. Sila ang pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat.

Kaso, sadyang maingay talaga.

"Time check. 13:20. X-ray vision says subject is already in bed." bulong ni Kier.

"Ay hindi namin nakikita yan, loko ka. Speak of the obvious, fool." saad ni Winter.

Nagsalubong ang kilay ko at umikot ang mga mata ko. Kung hindi lang talaga importante at sensitibo ang gagawin namin ngayon, pag-uumpugin ko ang ulo ng mga pasaway na to.

Ang kaso, wala na din namang oras para magpalit ng tauhan kaya, nagdasal na lang ako ng karagdagang pasensiya.

Itinaas ko ang dalawa kong daliri saka itinuro ang pinto ni Dee. And since, bago pa kami mapunta dito, Kier already disabled the CCTV camera para walang ebidensiya laban sa amin, we need not care about it anymore. Hindi na namin iyon binigyang pansin pa at dumiretso na sa may pinto.

"Remember, you," itinuro ko si Kier, "Stay here. Ikaw ang look-out and the driver for the get-away vehicle, and you," itinuro ko naman si Winter, "You make sure that she doesn't wake up until tomorrow morning."

"Aye, aye captain!" natatawang tugon ni Winter at ginaya pa ang saludo ni Spongebob. Pang-asar talaga ang isang to e.

Lumapit ako sa pinto saka pinindot ang dating code ni Dee.

And it opened.

Goddamnit!

I should have stressed the fact that she need to change her code when entering a new neighborhood. At isa pa, kailangan niyang magpalit ng code sa pana-panahon para hindi siya manakawan.

At kung bakit ito ang iniisip ko, gayong mas mapapadali ang trabaho namin dahil sa hindi niya pagpalit ng code ay hindi ko alam.

Siguro, nabobobo na din talaga ako.

"Slowly but surely." bulong ko sa mga anino.

Kier stayed near the door, alert and always on the look-out. Samantalang kami naman ni Winter ay naglakad papunta sa kwarto ni Dee.

Nang marating namin iyon, pinihit ko ang seradura ng pinto at nag-akmang papasok. Ngunit natigil ako bigla.

Winter looked at me questioningly before I turned to him and hold my hand.

"Asan ang panyo?" tanong ko sa kanya.

"Dude. Trabaho ko to e." maktol niya.

"Tss.. Ako lang ang pwedeng pumasok sa kwarto niya Taglamig."

Umismid siya ngunit hindi na rin nagsalita pa. Padabog na ibinigay niya sa akin ang panyo na may nakalagay pampatulog para kahit magising si Dee, hindi na siya makakagawa pa ng ingay, dahil matutulog siyang muli.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Onde as histórias ganham vida. Descobre agora