32

11.4K 404 38
                                    

Ruzzia

We have all been waiting outside the emergency room for almost half of the day now.

Simula kaninang pagdating namin dito hindi na natigil ang panalangin sa puso ko. Ang pinakaunang panalangin na nasambit ko simula nung magkamalay ako sa mundong ito.

I clutched at my heart, remembering how she kissed me before she went out to talk to Zed. I know I shouldn't have let her go.

Dapat hindi ako nagpadala sa emosyon na pinapakita niya. I should have kept her safe inside that building until dumating yung time na kailangan niya nang maoperahan.

But damn it, I can never resist her. I can never say no to her.

At dahil sa kahinaan ko na yun kaya andiyan siya sa loob ng kwarto na yan, nagdurusa at nahihirapan.

"Skye, yes, andito kami ngayon sa ER... Hindi pa, wala pang lumalabas na doctor, hindi pa namin alam kung ano na ang nangyayari sa loob... Sige.."

That was Zed. Tinawagan niya si Skye para malaman ng kaibigan nila ang tungkol sa nangyari. Samantalang si Tita Milicent naman ay nakaupo lang sa tabi at nagpapatuloy sa pag-iyak.

I can only stare at her.

Even if I wanted to comfort her, which I definitely don't, hindi ko rin magawang gumalaw sa kinatatayuan ko. It seems like my muscles have locked in place, bracing for the worst. Preparing for it.

"Dude, maupo ka muna, kanina ka pang nakatayo at nakatitig diyan sa pinto. Hindi niya gugustuhing nagkakaganyan ka." biglang may boses na nagsalita sa likod ko.

Saka ko lang napansin na tapos na pala ang tawag ni Zed kay Skye. Nasa likod ko siya at sinusubukan akong kausapin kahit ang totoo, hindi kami magkasundo. And I know that he's doing it for the sake of their friendship.

Unti-unti kong ibinaling ang tingin ko sa kanya.

"You go. Ayos lang ako." bulong ko.

I felt lethargic and heavy hearted but not to the point of pain yet. Parang tinurukan ako ng anesthesia dahil wala akong maramdaman sa puso ko, walang kahit anong sakit, walang pag-aalala.

Alam ko na mabubuhay si Dee. Alam ko na walang masamang mangyayari sa kanya dahil nararamdaman ko iyon. Malakas ang loob ko na mabubuhay siya para pahirapan ako dahil sa ginawa ko. At mas gugustuhin ko pa na mabuhay siyang galit sa akin kaysa malaman na pinatawad niya nga ako ngunit isa naman siyang malamig na bangkay.

I deserve to be punished and I will gladly accept it as my due. Kahit suyuin ko siya buong buhay ko, gagawin ko, basta wag lang siyang mamamatay.

"Would you like to call any of your brothers?" tanong niya ulit.

I shook my head and wished him to just leave me alone. I need to be alone.

Thankfully, he returned to the bench and took his seat. Siya na din ang tumawag sa mga doctor na mag-oopera kay Dee para pumunta na ngayon dahil wala na sa sarili si tita Milicent.

The doctors have arrived not long after and they have all gathered inside but nobody has gone out to assure the family about the patient.

Wala man lang ng kahit anong indikasyon na maayos ang nangyayaring pag-oopera sa loob.

I stared at the door once more willing it to open, willing it to go transparent so that I can watch her as she undergoes the operation that would bring her back to us.

Naalala ko nung nasa ambulansiya na kami. The medics have administered the first aid, pumping oxygen into her deprived lungs using a bag valve and checking her slowly waning pulse.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now