19

12.6K 392 26
                                    

Deireen

"No! No, kaya kong maglakad ng mag-isa Ruzz, let me be!" I cried out as soon as I felt my ass on the air.

The infuriating man has his hands, one on my back and the other on the very ass cheek. Hindi sa likod ng paa ko kundi sa mismong pwet ko, at kung paano niya iyon nagagawa ay hindi ko lubos maisip.

Tinapik ko ng malakas ang kamay niya ngunit isang mahinang tawa lang ang narinig kong isinagot niya bago ako tuluyang dinala sa banyo.

Pinihit niya ang knob saka minaniobra ako upang makapasok kaming pareho na hindi tumatama ang ulo ko sa hamba ng pinto.

My crying lag has already subsided pero may mga mumunting sigok pa na kumakawala sa bibig ko dahil sa lakas ng iyak ko kanina. Napag-isip isip ko na hindi makakabuti sa akin na umiyak ng ganun katindi at baka hindi na ako abutan pa ng apat na araw dito kung ganun palagi ang mangyayari sa akin.

"I said let go!" singhal ko sa mukha niya.

Akmang ibaba na niya ako noon sa seater ng bowl ngunit ng marinig niya ang huli kong sinabi ay nanigas siya sa pagkakayuko pagkatapos ay tumayo ng tuwid.

Na buhat-buhat parin ako.

At hindi pinakakawalan ang pwet ko.

"Do you want me to continue holding you like this Deireen? Kasi kung sisigawan mo ulit ako ng 'let me go', I promise you I'll tie you to my body so fast, you won't know what hit you." pagbabanta niya.

There was an unholy glow in his eyes and  at that moment, I really believed him capable of doing such. I shivered at the sheer desire that has ignited in my body with his words. At the same time, uminit ang ulo ko dahil sa kahinaan ko.

Pakshet naman Dee, galit ka, sumusuko ka na, umaayaw ka na nga't lahat tapos nagpapadala ka pa rin hanggang ngayon? Tama nang landi girl. Stand on your beliefs naman. Kastigo ng isang bahagi ng utak ko sa akin.

I schooled my features to resemble bored indifference kahit ang totoo, sa puso ko, gusto ko na talagang sumigaw ulit ng let me go para itali niya na ako at ng hindi na ako makauwi kay mommy. If only I can spend my remaining days with him.

Damn.

Itinikom ko ang bibig ko at nakipaglaban sa kanya gamit ang aking mga mata. Eventually, napagod na din siguro siya kasi humugot siya ng malalim na hininga saka ibinaba ako ng dahan-dahan sa seater ng bowl.

"You are going to stay where you are and wait for me here, okay?" mariin niyang utos.

Nakalimutan niya siguro na naaasar ako kapag inuutusan, kaya ganun ang pagkakasabi niya. Kung naalala niya kasi iyon, malamang na alam niya din na hindi ako maghihintay doon ng walang ginagawa.

That's just me.

Umismid lang ako saka ibinaba ang tingin ko sa nagdurugo ko pa ring kamay. Mukhang napalalim ang sugat dahil hanggang ngayon ay nay nagsisilabasan pang dugo doon.

Ilang segundo pa siyang nanatili sa harap ko habang ako naman ay nanatili ring nakatingin sa kamay ko. Sa huli ay bumuga siya ng hangin saka umalis na din upang kunin ang first aid kit.

Nang marinig ko ang marahang pagsara ng pinto, saka lang ako tumayo upang paagusan ng tubig ang sugat sa aking kamay.

Napasinghap ako dahil sa hapdi pero pinilit ko pa rin ang sarili ko na panoorin ang naghahalong dugo at tubig.

May sa pagka masochista nga talaga ako. Ngayon ko lang napatunayan habang tinitingnan ko ang pag agos ng dugo sa sink. Habang nakikita ko kung paano ko hinahayaan ang sarili ko na masaktan.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now