7

11K 335 21
                                    


A/N: just a while ago, I experienced wifi failure, so kung hindi po umabot sa author's note ang pagbabasa niyo, meaning naputol po ung chapter 6. Paki refresh po ng reader niyo para makita niyo po ang kabuuan! Salamat! Lablab!

--

Deireen

The day went by smoothly. Nakakatuwa na kahit andun si Ruzzia sa harap ko, I was able to perform to my utmost capacity ng hindi napapahiya kahit kanino.

I am just so happy with the way things are running by na hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. The next thing I knew, hinahanap na ako ni Giana sa office para mag-lunch kami.

Saka ko lang naalala na hindi pa pala umu-order ng pagkain si Ruzz para sa kanyang tanghalian.

"Miss Giana, mauna na po kayo. Susunod na lang ako."

Tumango siya saka muling isinara ang pinto.

I looked at the man in front of me. He was so immersed in his work na hindi niya man lang napansin ang pagpasok ni Giana. Pupusta ako ng isang bugatti veyron na hindi niya na rin naalala na may kasama siya sa kwartong ito.

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga saka umambang tatayo.

"Where are you going?" bigla ay bungad niya sa akin dahilan para mapatigil ako at tumingin sa gawi niya.

Hindi na naman siya nakatingin pero alam niya ang ginagawa ko. Naguguluhang inilibot ko ang paningin sa paligid para maghanap ng hidden camera ngunit kahit isa ay wala naman akong nakita. 

Nakutusan ko ang sarili ko. Bobo Dee? Kaya nga hidden kasi nakatago! Malamang di mo makikita.

"Deireen!"

"Babe--!" pabigla kong sagot. "Uh.. I-ikukuha ko po kayo ng lunch." pagtatapos ko sa aking sasabihin.

Umiling siya. "No need. Kakain kami nina Kamila sa suite ni Rio."

Kamila na naman. Isa pa talaga at iisipin ko nang may gusto ito sa asawa ng kapatid niya e.

"Er, well then, mauuna na po akong umalis." paalam ko sabay kuha ng bag sa ilalim ng upuan. "Do you need anything before I go?" muli ay tanong ko. 

Isang iling na naman ang kanyang sagot kaya tumango na lang ako at nagsimula nang umalis.

"Uh, wait.." bigla ay saad niya nung nakalapit na ako sa pinto.

Napalingon akong muli sa mesa niya.

"Bakit?"

"Uh.. Kung si Giana ang kasama mo, malamang kasama din nun si Kier. Do me a favor and don't be so close with him."

"Po?"

"Just do what I say!" singhal niya na naman kaya mabilisang tango na lang ang isinagot ko saka kumaripas ng takbo palabas. Mahirap na. Maganda na ang araw ko at ayokong masira iyon ng dahil lang sa kabadtripan ni Ruzzi.

Habang bumababa ako sakay ng elevator, napaisip ako kung bakit niya sinabi iyon.

Ang Kier ba na palaging kasama ni Giana ay kaibigan nito o ka-ibigan? Kung kaibigan, at gwapo, hindi kaya nagseselos si Ruzzi?

Oh my God! Nagseselos siya! Ayaw pahalata ng loko, e kitang kita naman sa mga kilos niya! Pakshet, mukhang magbubuntis na ako, malapit na malapit na!

Sa sobrang excitement ay halos takbuhin ko na ang layo ng cafeteria mula sa kinatatayuan ko pagkalabas ko ng elevator. Agad akong naglakad papunta sa kainan ng hindi napapagkit ang kakaibang ngisi sa mukha. Ilang empleyado rin ang nabaling ang tingin sa akin dahil sa kakaibang kilos ko. 

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now