31

11.6K 356 39
                                    

Deireen

Kahit nung papunta na ako kay mommy, in my mind, I can't really shake off that disturbing thought about how Zed asked me kung magtatagal ako doon. Something is definitely in the air and I felt that if I would just look clearly, malalaman ko kung ano iyon. But exhaustion, combined with my waning energy this past few days befuddled my mind making it impossible to investigate the matter deeper.

Binuksan ko ang radio at sinubukang kalmahin ang isip ko. Part of me is truly afraid now. Dati wala akong pakialam kung mamamatay ako o ano, pero ngayon, natatakot na ako. Natatakot ako na baka putulin ng Diyos ang kaligayahan na natagpuan ko dito, natatakot ako sa mga posibilidad. And for the first time in my life, I truly hated the fact that I have this despicable disease.

Still, life is to be enjoyed ika nga. And my three days time with Ruzz was worth a thousand years for me. I can say proundly that I was the happiest, most contented woman alive.

Pagdating ko sa bahay, halatang nagulat ang guard sa pagdating ko. He said that mom didn't expect me dahil wala daw binilin sa kanya.

I told him that it was fine, may kukunin lang ako sa kwarto ko, and that after I take it aalis din naman ako.

Binilin ko na din na wag nang abalahin pa si mommy since I know na kapag nalaman niya na andito ako, ide-detain niya lang ako hanggang sa hindi na matuloy ang balak kong date namin ni Ruzz.

I wanted to surprise him.

Also, habang inooperahan ako bukas, I want him to be assured of my devotion and love kaya kukunin ko din ang diary ko sa bahay.

Doon kasi nakalagay lahat ng ginawa ko para sa kanya, iyong mga naramdaman ko, mga paghihirap lalo na yung kaligayahan.

Ginarahe ko ang sasakyan sa likod ng SUV ni mom para hindi niya mapansin saka mabilis na naglakad papasok sa bahay.

"Ma'am Dee!" bungad ng katulong na naabutan kong naglilinis ng sala.

Itinapat ko ang daliri ko sa aking bibig para senyasan siya na huwag maingay dahilan para ngumiti siya at gayahin ang ginawa ko, pagkatapos ay bumalik na din sa trabaho at hinayaan na akong mag-isa.

They were my friends. Halos lahat sa mga katulong namin dito kasa-kasama namin kapag naglilipat kami ng bahay. Mom reasoned na mas gusto niyang yung dating mukha para daw hindi siya naaasiwa at hindi na siya kailangan pang mag-adjust. It was fine with me lalo at nung lumalaki ako, the maids are my playmates and partners in crime.

Pumanhik ako sa ikalawang palapag, dire-diretso sa kwarto ko saka isinara ang pinto.

Agad na sumalubong sa akin ang amoy ng aking pagkabata. Last time that I've been in this room can be traced back to my high school days. Ngayon lang ulit ako nakapasok dito and surprisingly, wala kahit isang alikabok na matatagpuan sa mga kagamitan.

My mom did a good job in preserving my legacy by the looks of it. Ang dating comforter ko pa rin ang nasa kama, ang mga dating posters ng mga paborito kong banda ay nanatiling nakadikit sa pader, ang mga libro ay nakahanay depende sa kung alin ang pinakanagustuhan ko--- everything was in place. 

A wave of nostalgia hit me hard that my eyes automatically watered in remembrance. Life has a way of catching up with us when we least expect it. Parang kahapon lang nangyari ang lahat ng ito. It was all like a dream to me.

Lumapit ako sa kama, itinaas ang dalawang kamay ko at pabagsak na nahiga.

I inhaled deeply.

Home.

This has been a home to me once but now, I realized that home is not really a four cornered brick wall with a safe roof and a number of rooms. Home can also be a pair of mesmerizing eyes, a laughing mouth, and a pair of caring arms.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now