21

11.2K 360 14
                                    

Deireen

Tatlong araw matapos ang nangyari, andito ako ngayon sa harap ng telepono, nag-aalangan sa gagawin. Calling Skye seems to be the hardest part of my life. Second to letting Ruzz go.

Sa loob ng tatlong araw na iyon, palagi kong sinasabi sa sarili ko na kinabukasan ko na lang sasabihin sa bestfriend ko ang katotohanan. Pero ngayon, tapos na ang pagpapaliban.

Wala nang oras. 

Last day ko na bukas sa trabaho and last day na din na ibinigay sa akin ni mommy na palugit.

The day after tomorrow, I don't know where I will be. Truth be told, I don't care. At all.

Kahit saang lupalop na ako dalhin ni mommy, it doesn't matter. I will still be waiting for my sweet last breath.

Although I really want to call Zed to support me, I am always reminded of that time when Ruzzia said that I am not to let guys enter my place.

Ewan ko ba, halos palang, sundin ko na lahat ng sinasabi niya sa akin.

Ang buong akala ko, babalik siya sa dati pagkatapos ko siyang sigawan sa suite niya. I thought he would stop his weird antics pero hindi. That same day, dinalhan niya ko ng pagkain sa unit ko. The next day, hindi niya man lang ako binigyan ng trabaho dahil daw da sugat ko sa kamay. The third day, kanina lang, he even went out of the way para bilhan ako ng malaki --- as in life sized --- panda stuff toy. Siya ang nagdala ng kape sa office, siya ang nagbitbit ng bag ko nung pauwi na ako sa condo, at ang nanlibre ng pagkain kasi ayaw niyang umalis ako sa office at makipagkwentuhan kay baby Kier.

Kahit nung pauwi na ako, I know he was trying to stay covered, nakipagpalit pa siya ng kotse kay Rio but I know that he was tailing my car until I was safely home.

Kulang na lang sabihin niya sa akin na manliligaw siya e. Kaya lang, everytime I rounded on him to ask if he loves me, he would just look at me and wouldn't say a word.

So the pattern went on and on.

Hindi na namin na-open ang tungkol sa pag-alis ko. Siguro ang akala niya ay hindi na ako aalis pero I know its already written in the stars. It was destiny that provided the chance for me to stop chasing.

So far, this is where our connection will end. Pag patay na ako, makakahanap si Ruzz ng isang taong magmamahal sa kanya ng lubos, na mamahalin niya din at ako, well... Siguro nakatingin lang ako sa langit at sinusubukang pasayahin ang sarili ko habang tinitingnan ang taong mahal ko na maging masaya din.

How sweet life is.

Napabuga ako ng hangin.

Well, this is it. Once Skye knows what's going on, everything will be set into order.  Makakaalis na ako na malinis ang konsensiya.

Akmang huhugutin ko na ang telepono sa cradle ng biglang mag-ring iyon. Nangunot ang noo ko sa pagtataka kung sino ang tatawag sa ganitong dis-oras ng gabi.

Ang totoo, pinili ko talagang oras ng pagtawag iyong alam kong tulog na si Skye kasi mas onti ang posibilidad na masasagot niya. Tapos sasabihin ko na naman sa sarili ko na, at least I tried, and then I'll try tomorrow.

But whoever's calling is really persistent. As in persistent. In the end, I took the phone and answered it.

"Yes, hello?" nag-aalangan kong tanong.

"Dee.. Come out."

Napasinghap ako ng marinig ang boses na iyon. It was Ruzz but something is different.

Is that a twinge of excitement in his voice? I don't freaking know.

"Ruzz? What---?"

"Just come out please. We are freezing here."

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now