1

20.7K 467 38
                                    

Deireen

"Kinuha mo ang bouquet ni Kami bago pa ang kasal?" hindi makapaniwalang turan ni Skye nang magkita kaming muli isang buwan ang nakararaan matapos ang pagdiriwang na ginanap sa pamilya nila.

Iniwasan ko ang tanong niya at nagsimulang ayusin ang mga damit sa maliit kong closet. Kinuha ko ang malaking maleta na dala ko mula pa ng US at inisa-isang tanggalin ang mga damit na andun. Sinadya ko talagang bagalan para lang mainip siya at tantanan niya na ang kakatanong sa akin.

"Dee! Sabihin mo nga! Inlove ka pa kay Ruzzia hanggang ngayon!? Nababaliw ka na ba talaga?" habang tumatagal ay tumataas lalo ang boses niya.

Hindi pa rin ako sumagot kundi ay tinahak ko na ang CR para ilagay ang toiletries ko doon.

Nandito ako ngayon sa kinuha kong apartment na hindi kalayuan sa Montereal Empire para everyday, pwede kong makita si Ruzz. May sarili kaming bahay dito sa Manila pero mas pinili ko na lang na magsarili kahit ayaw ni mommy although, wala na din naman siyang magagawa. I'm an adult and she can't force me to do things that I don't want to do.

"And what did you say you did? Nag-apply ka pa as assistant secretary ni Ruzzia sa empire? As if naman makukuha ka doon!?"

This time nakahalukipkip na hinarap ko ang gawi niya.

"At bakit naman hindi? I remember clearly na nagtapos ako sa US sa kurso na related sa work na inaapply-an ko ngayon and I graduated with flying colors." pagmamalaki ko sa kanya, bakas ang iritasyon sa mukha.

"I know. But the question is if he will accept you. Rinding-rindi na yun sa pagiging clingy mo noong high-school tayo tapos hanggang ngayon nakabuntot ka pa rin!" pinanlakihan niya ako ng mata as if forcing me to understand where she's coming from.

And I do. I understand. Ayaw akong masaktan ni Skye pero sabi nga sa mga romance books na binabasa ko, sometimes, you have to chase destiny to hold it in your hand.

That's why I'm chasing my baby Ruzzi. Kasi siya ang destiny ko! What's so hard to understand? Ngayon, malabo pa sa kanya kasi playboy siya, but eventually, we will be on the same page.

Mamahalin niya din ako, that's for sure.

"Wala din naman siyang magagawa e. I used my middle name kaya hindi niya ako maaalala. Also, iba na ang itsura ko ngayon compared to my looks when we're still in high school, see?" saad ko sabay ikot para kuno ipakita sa kanya ang mga pagbabago.

Iba na nga. Iba na ako ngayon. Kung dati, mukha akong inosenteng batang sosyalin kumpara sa mga babae ni Ruzzia, ngayon, isa na ako sa mga babae na maipagmamalaki niya. That strip of a girl is gone, long ago. Ang babaeng andito ngayon ay iyong babae na liberated, sophisticated at higit sa lahat, iyong babae na alam kong talagang kapansin-pansin.

Hindi sa pagyayabang pero when I was still in the US, nagsimulang tumubo ang mumunti kong dibdib hanggang sa dumating sa punto na ito na lang lagi ang unang nakikita sa akin ng mga lalaki, pagkatapos ng maganda kong mukha siyempre. My waist line is proportional to my hips at overall, coca-cola body na tinatawag ang maipagmamalaki ko.

The only downfall is my freakin' height. Ang hindi ko mawari kung bakit kahit isang inch ay hindi na ito dumagdag pa simula nung high school. Tuloy, kailangan ko na magsuot ng 4 to 5 inches stilletos everytime na lalabas ako para lang hindi masira ang image na pinanghahawakan ko sa mundo.

Umiling-iling si Skye na parang hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa paligid.

"Dee, you're going overboard with this insanity but damn it girl, andito lang ako. If ever you need anything, punyeta ka, magsabi ka lang sa akin."

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now