4

12.9K 392 11
                                    

Deireen

"Awww.." I groaned as I opened my eyes to the blinding light coming from the open window. Itinakip ko ang nakuha kong unan sa mga mata ko para kahit papano ay maibsan ang nakakasilaw na liwanag at ganun na din ay mabawasan ang sakit ng ulo ko.

Sinipat ko sa digital clock ang oras nang mga sandaling iyon at lalo akong napasinghap ng mapagtantong alas tres na ng hapon.

Sa tabi ng orasan ay may nakalagay na note kaya kinuha ko iyon at binasa. It was from Skye.

Dee, may pagkain sa mesa, andun na rin yung gamot mo para sa sakit. Umuwi na ako sa bicol dahil nanggugulo na naman si Ash. Take care and keep me posted okay? Magbati na kayo ni Zed.

Ps. Goodluck with the neighbor though.

Neighbor?

Pakialam ko naman kung sino ang kapit-bahay ko? I'm not here to mingle with them, andito ako para kay Ruzz. Para maging mas malapit sa Empire at para makita ko siya everyday.

Damn it. Naalala ko na ngayon din pala tatawag yung Personal Secretary niya kung makakapasok ako sa trabaho o hindi.

Kahit na nananakit ang ulo ko, nagtiim-bagang na lang ako at hinanap ang cellphone. I found it on my old glitter bag kasama ang calling card na binigay nung secretary.

Pagkabukas ko niyon, nakita ko na maraming messages and missed calls na nakarecord.

I scrolled them down ngunit nanlulumong napaupo ako ng makitang wala man lang ni isa doon ang galing sa Empire.

Lahat ng messages ay galing kay Zed habang ang ilang missed calls ay mula kay Skye. Messages from Zed were all asking for forgiveness but I didn't reply back. Ang kay Skye naman, malamang na nag-aalala lang yun sa akin kaya nag-type ako ng mabilis na message na nagsasabing maayos naman ang pakiramdam ko.

I walked out of the room and went to the food on the table. Gumawa si Skye ng omelet bago umalis at iyon ang nilantakan ko. Pagkatapos ay ininom ko na rin ang gamot na nakalatag para sa akin.

I don't know why the secretary haven't called but I think I needed to pursue the matter. Baka nakalimutan niya lang or something. Nasabi niya kasi na kailangan pa daw ng approval from the owner pero kung siya daw ang masusunod, I would be hired on the spot.

Kinuha ko ang cellphone at dinial ang calling card na binigay nung babae. Naka-isang ring lang at agad din iyong sinagot.

"Hello, this is Giana of the Montereal Empire Corporation, how may I help you?" magiliw na bati sa akin ng isang babae sa kabilang linya.

Still, napasimangot ako.  I don't believe that the secretary was named Giana. Sa pagkakatanda ko, isa siyang matandang babae, not so old but aged 40 or something.

Ibig sabihin ba nito, may ini-hire na ibang assistant si Ruzzia?

Biglang nag-init ang ulo ko sa di mawaring dahilan.

"Hello, this is Deireen Luz Masaga. I was just calling to follow up on my application as assistant secretary to Mr.  Ruzzia Montereal, please? May I talk to his secretary?"

I heard a shuffle and then..

"Oh my God. Hulog ka ng langit miss. You were on the top list but Mrs. Avancillio had an emergency situation just a while ago and we badly need a competent secretary to fill her position. Would you mind if you can come over for a second interview?"

Halos mailuwa ko ang nakain kong omelet sa pagkabigla. Tama ba ang pagkakaintindi ko?

I was applying for assistamt secretary but the Personal Secretary had an emergency situation so I will be the one to fill her role?

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now