Epilogue

22.9K 538 52
                                    

Deireen


"Push Dee! Push!" sigaw ng family doctor ng mga Montereal. "Push, I can see the crown now!"

I screamed as I tried my best to deliver the baby that Ruzz and I created. Pagod na pagod na ako, at sobrang sakit na at pakiramdam ko ay hinahati ako sa dalawa.

An answering bellow was heard from without and for a moment, the doctor and I tensed, afraid for a moment that he would come barging in like the first time.

"Your husband is a bully." the doctor whispered. "He actually said that if I make this hard for you, he's gunna shoot me in the head."

Kahit na nahihirapan ay hindi ko napigilan ang tawa na kumawala. Kasunod niyon ang masakit na paghilab mula sa kaibuturan ko kaya kinailangan ko na namang sumigaw. It atleast took my mind out of the searing pain.

I was panting heavily as it receded to a dull ache, my voice growing hoarse by the minute.

A single tear escaped my eyes. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. But I insisted on this.

Sinabi ni Ruzz na sa America ako manganganak, na pwede naming gawin yung painless method na sinasabi, pero ayoko. I want to feel it when my son came into the world. I want to feel a sense of bond that only us can feel because I've endured much for him. At lalonh ayoko rin ng CS. Nope. One blade is enough, but no more.

The doctor also made a green light on normal delivery kaya panatag ako.

Panatag ako hanggang kagabi. Pero nung nagsimula na ang totohanang sakit at hapdi, unti-unting nawawala ang kapanatagan ko. Gusto ko na lang ngumawa at tawagin si Ruzz, at umiyak sa balikat niya at sabihin na ayaw ko na. Kaso ang baby ko. Kailangan kong maging malakas para sa baby ko.

"One more Dee! One more big push! PUSH!!!"

I did, and I felt a warm slippery something went out of me as a sweet cry of a newly born babe filled the room. Inayos ng doktor ang maliit kong anak, at inilapit sa akin.

My little old man. Kulubot ang mukha niya at pulang-pula na animo'y kadugo ni Hellboy. Kulang na lang ay lagyan siya ng sungay sa ulo. His hands went up in the air as he yelled injustice because of the lack of sustenance.

"Baby Paris Montereal.. Welcome to your new world love..." I whispered in his ears.

He turned as if sensing my presence and smiled!

God, he smiled.

Babies don't smile until the second week, I think, but mine did!

He did! And my heart burst with joy.

---

Ruzz

"Hahaha! Naalala mo nung ipanganak si Brazil.. Mukhang mas malala pa ang tama ni Ruzzia kaysa kay Rio e! Tingnan mo't umiiyak ang loko!" kantyaw ni Mexico sa akin habang hindi matigil ang halakhak. Itinuturo niya ako sabay tumatawa ng pagkalakas-lakas.

Kung hindi lang talaga dahil sa pangako ko kay Dee, kanina ko pa binigwasan ang nakakalokong mukha ng isang to e! Wala akong pakialam kung andito ang mahal niyang si Niki at ang makulit na si Mico. Aararuhin ko ang mukha niyang iyan pag hindi pa siya tumigil.

"Hah! Tapos nung sumigaw si Dee, sumigaw din dude! Akala mo siya itong nanganganak! Hahaha!" ito naman ay si Rio.

Ang mga walang-hiyang to, porke't tapos na ang paghihirap ng mga asawa nila, akala mo kung sino nang magagaling.

"Magsitahimik nga kayong mga pun--" natigil ako ng biglang tumikhim si Niki at bumangis ang tingin sa akin ni Mexico, "Uh.. Magsitahimik kayo!?" bawi ko sa sinabi.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017On viuen les histories. Descobreix ara