34

10.5K 296 38
                                    

A/N: isumpa ang magsasabi na mali ang kalendaryo ko. Hahaha. Fiction te! Wag ka masyadong true to layp.

Deireen

"Ahem.. Ahem.. Mic test, hello.. 1,2,3.. Deireen Luz Masaga Diary."

Monday, June 3, 2003

I am so excited! First year high school na ako ngayon sa new school na papasukan ko. New place, new friends, new boys..

Naglalakad ako ngayon sa may veranda ng eskwelahan ng biglang may kaguluhan sa grounds. Nagtitilihan ang mga babae habang malakas na tawanan naman ang naririnig ko sa kalalakihan. Dumukwang ako para makita ko kung anong nangyayari, at muntik ng malaglag ang panga ko sa nasaksihan.

Iyon ay sa kadahilanang nasa baba lang naman ng eskwelahan na ito ang pinakagwapo, pinaka-macho, at mala-anghel na lalaki na nakita ko sa buong buhay ko. Pinagkakaguluhan siya ng mga babae na schoolmates namin habang ang kalalakihan naman nakikipagkaibigan sa kanya.

Parang bumilis ang takbo ng puso ko habang tinititigan ko ang likod niya. Kaso bigla siyang tumingin sa taas diretso sa gawi ko kaya't nagtama ang mga mata namin.

Nahigit ko ang paghinga ko. Natigil ang mundo ko. At masasabi ko rin na ninakaw niya ang puso ko sa ilang sandaling iyon.

Pero malungkot ang kanyang mga mata, at kahit tumatawa siya, alam ko na hindi siya totoong masaya.

At ako, ako ang magpapasaya sa kanya...

----

Wednesday, December 16, 2004

I think I love him.

Nakita ko siyang nakatitig sa akin habang nagsusulat ako sa Social Science at hindi ko naitago ang pamumula ng pisngi ko dahil sa nangyari.

Nakita ako ni Eliana, ang rumored girlfriend niya at siguro ay nagalit siya dahil nakita niyang nagkatitigan kami ni Ruzzi kaya sinampa niya ako habang hawak ko ang tray ng pagkain ko nung nasa cafeteria na kami.

First time kong maligo ng juice at sauce ng spaghetti. Exciting. Medyo masarap.

Worth it naman kasi nakakataba ng puso ang titig ni Ruzzia.

----

Friday,  September 28, 2005

Nakilala ko ang pinakamaganda pero pinakamalditang babae sa mundo. Sinabihan niya ako na wag ko daw mahalin si Ruzzia kasi masasaktan lang daw ako.

Hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya. Isa pa, alam kong kaya kong paibigin si Ruzzia kapag inamin ko na mahal ko siya.

Ayokong maging kaibigan yung Skye na yun. Sinong Pilipina ba ang pinapangalanang Skylar ng mga magulang nila? Diba wala? Skylar, tss.

Parang star wars, lang e.

----

Monday, February 13, 2006

Today, aaminin ko na kay Ruzz na mahal ko siya.

Kinutusan ako ni Skye dahil sa kahibangan ko pero wala din naman siyang nagawa. Umabsent ako sa lahat ng klase namin para ihanda ang lugar na pagdadausan pagtatapat ko at hinintay na dalhin siya sa akin ng kaibigan ko.

Alas sais na ng gabi ng dumating si Ruzzia. Kinantahan ko siya pero naupo lang siya at nakatitig sa akin.

I told him I loved him.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now