15

12.1K 359 23
                                    

Deireen

Hindi na siya bumalik pa pagkatapos niyang mag-walk out. Dumaan ang buong maghapon, natapos ko na lahat ng naiwang trabaho, nailagay ko na ulit yung panibagong resignation letter sa table niya pero wala pa rin.

At hanggang ngayon, wala pa ring sagot sa mga katanungan ko kanina.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganun ang naging reaksiyon niya. Malabo pa rin sa akin kung bakit naghalikan kami o kung bakit siya nagalit na aalis na ako. E sa una pa lang ay iyon naman na talaga ang gusto niyang mangyari.

His last words came back to me as I was preparing to leave.

No more resignation letters unless you want to go..

Tinitigan ko ang panibagong resignation na inilatag ko sa kanyang table.

No more resignation letters unless you want to go..

I don't want to go but I have no choice. I don't want him looking at me with pity when he finds out that I have CHD. Ayoko na magiging malapit siya sa akin o kakaibiganin o ipapakita nya na nag-aalala siya sa akin kasi may sakit ako.

I want him to care for me and love me because that is what he wants and what he feels, and not because he felt obligated to make me feel better.

I deserve a true love after all I went through.

Saktong palabas na ako ng pinto ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bag na nakasukbit na balikat saka sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Princess.. It's me--"

"I know. Hi Zed. How are you?"

"No.. How are you? Its been how many days since we last talked."

Nakadama ako ng sobrang kalungkutan sa sinabi niya. This are the people that I'm going to leave. Mga tao na nagmamahal sa akin na panigurado ay lubos na masasaktan oras na sabihin ko sa kanila ang karamdaman ko.

I think it's high time I tell them about my condition.

"I'm doing fine. Can... Can we talk right now? Like, can you please go over at my place?"

"May problema ba?"

"Nothing. I just want to see you.." before I go.

"Okay Princess. Be there in 30."

Iyon lang at binaba na namin ang tawag.

Naglakad ako pababa ng building, maya't maya ang tango sa mga empleyadong dumadaan. Nakasalubong ko pa si Giana na nagulat ng makita ako at ng bigla ko siyang niyakap.

Leaving is hard. Lalo kung alam mong hindi mo na makikita ang mga taong naging bahagi ng buhay mo kahit sa kaunting pagkakataon.

Lalo at hindi mo alam ang mga posibleng mangyayari.

"What's wrong?" tanong ni Giana matapos niyang kumawala sa pagkakayapos ko.

Ngumiti ako saka ibinigay sa kanya ang pendant ko. It was made of gold and silver, isang bulaklak na paboritong-paborito ko dahil binigay sa akin ni daddy when I was still a child. I want her to have it and remember me when I'm gone.

"Take care G."

Nangunot ang noo niya sa sinabi at ginawa ko.

"Anong problema? Aalis ka na?" malungkot niyang tanong palming the pendant that I gave her.

"Aalis na. Salamat sa tulong mo."

Nakita kong namasa ang mga mata niya kahit natatabunan pa ito ng salamin. Tinanggal niya iyon saka pinunasan ang sariling mga luha.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon