30

11.8K 343 14
                                    

Deireen

"Thirty minutes, tops."

"Opo."

"No touching."

"Yes."

"No kissing."

"Huh? Even on the cheek?"

"I said no."

"Okay..."

"No hugging."

"Pano yung beso-beso?"

"No touching nga Dee e."

"Sabi ko nga, diba?"

"Uhm, Three-feet distance."

"Wow, ano to? Aldub? Baka kami na ni Zed ang magkatuluyan niyan, tapos ikaw na si Lola Nidora."

"Fine, you can stay with me, on the bed, of course."

"Yes, okay! Three-feet distance! Gusto mo, one kilometer pa e." sarkastiko kong turan.

Andito ako ngayon sa harap ng salamin, inaayos ang itsura ko pagdaka ay sisipatin kung tama na ba ang lahat. Kanina pa siya nagsasabi sa akin ng mga dapat kong gawin pag kasama ko na si Zed. Wala daw kasi siyang tiwala sa tao na yun, lalo nung nalaman niya na may gusto sa akin yung kaibigan ko. Which is really preposterous kasi sa tinagal-tagal naming magkasama ni Zed, he never did anything untoward. In fact, he is the picture of a perfect gentleman talaga.

"I am not joking." nagbabanta niyang saad. "At kanina ka pa diyan sa salamin ah, kailangan dagdagan mo pa ang ganda mo pag kasama mo siya? Kahit di ka na dun magsepilyo e."

Nandidiring napatingin ako sa gawi niya.

"Seryoso ka ba?"

"Do I look like I'm laughing?"

"Wow." hindi ko makapaniwalang saad. "Si Zed lang yun Ruzz. Zed? Long-time buddy. Bestfriend. You know?"

"I perfectly know. So remember everything I told you."

Tumirik ang mata ko papunta sa taas.

"Umamin ka na kasi, nagseselos ka sa kanya." natatawa kong turan. Gusto ko kapag bumabalik kami sa dati, yung tipong padeny-deny pa siya. Naalala ko yung mga pinagdaanan ko, nung hindi ko pa hawak ang puso niya.

Funny thing is, after everything, lahat ng ala-alang yun ay nagdudulot sa akin ng ngiti, hindi luha. They made me who I am today, they lead me to this imperfect yet lovable man.

"Hindi nga kasi. Wala lang talaga akong tiwala."

"Fine." bulong ko. "Basta wag mo akong sisihin kapag may ginawa siya na ayaw mo."

Pagkasabi ko nun, kumunot ang noo niya kasabay ng pagsalubong ng kanyang malagong kilay. Dumilim din ang mukha niya na parang babagyuhin.

"What do you mean?" even his voice sounds like thunder.

"I meant, hindi niya pa alam na tayo na so, there's a big possibility na gagawin pa rin niya yung ginagawa namin dati. Pero hindi ka naman nagseselos diba at lalong hindi naman siya gagawa ng masama sa akin, kaya..." nagkibit balikat ako saka hinayaan ko na punan niya ang hindi natapos na pangungusap.

And then, just to be perverse, kinuha ko ang bag ko saka nagpaalam na aalis na.

"Bye baby, see you in a bit." saad ko saka masayang naglakad palabas ng kwarto.

The thing with walking while you had your back on the enemy is that, you don't know when he will pounce on you.

And because of that, an uncharacteristic yelp escaped my lips when he suddenly pulled me back using my blouse and pushed me onto the bed.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now