2

14.4K 412 10
                                    

Deireen

"Kumurap ka kahit isang beses lang." bulong sa akin ni Zed nang makitang nakatanga na lang ako sa mukha ni Ruzzia.

Nagbaba ako ng tingin saka binasa ang labi ko na pakiramdam ko noon ay tuyung-tuyo na. Napalunok na din ako para kompleto ang set-up.

Andito siya sa harap ko! Pero hindi ko sigurado kung dapat ba akong magpakilala o hindi. Una sa lahat, pag nakilala niya ako sa itsura ko ngayon, baka mawalan ako ng pag-asa na makapasok sa empire. Pangalawa, hindi ko mahanap kung saan nagtago ang dila ko.

Kinuha ko ang baso ni Zed na may lamang alak saka mabilisang nilaklak iyon. Napangiwi pa ako dahil sa pait at sa tapang ng inumin na iniinom niya pero dahil sanay na kami dito, hindi ko iyon masyadong ininda.

Tumikhim ako para kunin ang atensiyon nilang lahat.

"Kung ano man ang iniisip mo Dee, please lang, wag ngayon." pabulong na pakiusap ni Zed.

He knows me. Alam niya na may binabalak ako dahil nababasa niya ang mga galaw ko, kaso ang espirito ng alak na ang kasangga ko ngayon kaya mukhang mapapasabak ang mga kaibigan ko.

Tumayo ako para lapitan si Ruzzia pero hindi ko na yata napansin na naparami na ang inom ko at medyo tinatamaan na ako dahil bigla akong nawalan ng balanse. Sa sobrang pagkabigla ay napahawak ako sa pinakamalapit na bagay na pwede kong hawakan para matigil ang pagbulusok ko sa sahig.

Pumikit ako ng mariin at hinawakan ang ulo ko para pigilan ang pag-ikot ng paningin ko.

"Okay ka lang?" agad na tumayo sina Zed at Skye para dumalo sa akin ngunit umiling na lang ako at itinaas ang palad para pigilan sila. Umaayos na ang paningin ko, at bumabalik na ang alak sa tiyan. Mukhang nalaos ako ng isang buwang pananahimik ko sa bahay. Naninibago na naman kasi ang katawan ko sa alak.

Nang bumuti na ng tuluyan ang pakiramdam ko, tumunghay ako at inilibot muli ang paningin sa paligid. Nakaupo na ulit si Skye at nakanganga naman si Zed. Ashton on the other hand was kind of laughing pero hindi ko alam kung bakit siya natatawa kaya binaling ko ang tingin sa lugar na kung saan nakatayo si Ruzz kanina.

At muntik na akong matumba muli nang makita ang larawan na tumambad sa harap ko.

"Ruzzi?" halos hindi ko mailabas ang salita sa bibig ko dahil sa gulat.

Ang nahawakan ko pala kanina ay iyong damit niya, at sa sobrang lakas ng pagkakahawak ko, ang kaninang maayos na damit ay nagmistulang ginutay-gutay. Para na siyang isang babaeng ginahasa sa itsura niya ngayon lalo at ang natatanging butones na magkalapat ay iyong pinakahuli sa baba. Nahantad sa harap namin ang kabuuan ng kanyang anim na pakete ng pandesal pati na rin ang kanyang dibdib na may namumuo pang kaunting balahibo at ganun na rin ang kanyang balikat.

Nakapako ang mga mata ko sa kaluwalhatian sa harap ko kaya hindi ko na napansin ang itsura niya. Kung galit ba siya, natatawa o hindi makapaniwala.

"Oh my God, ang yummy." saad ko kasabay ng malalim na paghinga. Hindi ko na rin napigilan ang mga kamay ko na inisa-isang hawakan ang kanyang matigas na tiyan.

Napasinghap si Skye sa gulat habang si Zed naman ay isang pigil na haluyhoy ang pinakawalan.

"What the hell--" impit na singhal ng lalaki sa harap ko bago tinabig ang kamay ko paalis.

Sayang, tapos na. Ang kuripot naman, hinahawakan lang e.

Tumunghay ako ng matapos makipag-ulayaw sa six-pack ni Ruzz dahilan para magtama ang mga tingin namin. Nakakunot ang noo niya ngayon at halatang nagtitimpi lang ng iritasyon. Inayos niya ang polo kahit alam naman namin lahat na wala nang kwenta iyon kasi sirang-sira na din talaga.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now