35

11.3K 333 40
                                    

Ruzz


"Hindi mo sila nakita ng buong araw kahapon?" nagtatakang tanong ni Skye sa akin nang pumunta siya kinabukasan sa condo ni Dee.

Dee.. God, even thinking about her name is enough to make me keel in pain.

"Hindi." mariin kong tugon.

I want her to leave me alone so that I can mourn in peace or better yet, die in peace. Hindi ko alam kung paano ko pa magagawang magpatuloy ngayon, pero dahil sinabi ni Dee sa record ng diary niya, gagawin ko. Pipilitin kong maging masaya.

I don't ever want her to feel sad dahil lang sa hindi ako maka-move on. If she can see me now, I will even fake happiness basta lang palagi siyang maging masaya kung asan man siya sa mga panahong ito.

"Ahh. Maybe that's the time when Zed phoned me. Iniwan daw muna niya si Tita Milicent para makasama ang bang-- si Dee, sa huling pagkakataon." her voice become somewhat wobbly on the last part.

Hindi niya pa rin tanggap.

Wala ni isa sa amin ang tanggap na ang nangyari and damn it, until now, I am still blaming myself for everything. Maybe I will be blaming myself for my whole life.

"She should have atleast considered na hindi lang siya ang gustong makasama si Dee." may halong poot at sama ng loob ang pagkakasabi ko kaya agad namang ipinagtanggol ni Skye ang mommy ni Dee.

"Ruzz, siya pa rin ang nanay. Nauna niyang mahalin ang anak niya. Nauna niyang nakilala. Kaya mas masakit para sa kanya iyon." depensa niya.

Umiling ako at sumimangot. Kasi hindi ako naniniwala na mas masakit iyon.

"What about me? Do you think na hindi masakit para sa akin? I got to know her last, I got only three days to be with her, I told her I loved her and only have three fucking days to prove it, sa tingin mo hindi mahirap sa akin Skye? We could have shared her. Hindi yung ipagdadamot niya si Dee, because I needed to see her too! I... Fuck, I don't even know if her body is whole."

This time, the tears that she's been holding back streamed unrelentlessly in her face.

Marahas siyang umiling at nang mga oras na iyon, sigurado na ako kung ano ang nasa isip niya. She is confirming my worst fears. Na hindi ko na nga talaga makikita ang mukha ni Dee kahit sa huling pagkakataon.

"Ngayon ang..." tumikhim siya bago nagpatuloy, "they will scatter the ashes today. Would you.. Would you like to go with us?"

Naikuyom ko ang kamao dahil sa bagong yugto ng sakit. Hindi ko pa rin matanggap. Sobrang sakit.

Sobra. Parang pinupunit ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman nito.

Nang hindi ako magsalita, ipinagpatuloy niya ang sinasabi.

"They think that if we scatter the ashes, Dee will have an easier time to travel to afterlife because this will mean that we are letting her go."

A groan of pain escaped my lips and I know that any moment now, I will cry in front of Skye. Inilagay ko ang kamao ko sa aking mga mata saka tumalikod sa kanya.

"I will.. be there." tugon ko nang mabawi ko na ang kakayahan kong magsalita.

**

Malakas ang simoy ng hangin, madilim ang ulap sa langit, at hindi nga nagtagal, nagsimulang pumatak ang ulan.

Mapait akong ngumiti ng mapagtantong ginagaya ng langit ang damdamin ko. Marahas, madilim at lumuluha. Nakita ko ang pagtaas ng alon hanggang sa kinailangan na naming humawak ng mabuti sa railing ng yate dahil baka tumilapon kami.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon