8

11K 387 18
                                    

Deireen

Bumalik ako sa office na may dalang rootbeer. Kahit wala siyang hininging kakailanganin niya, hindi ko talaga magawang wag siyang dalhan ng kahit ano lalo at gusto ko siyang i-spoil.

Ang kaso, pagbungad ko pa lang, mukhang masama na ang timpla ng baby Ruzzi ko. Isa na naman kasing nakakatulig na singhal ang pinakawalan niya sa akin.

"What the hell took you so long? Naiintindihan mo naman na may mga tinatapos tayo diba?" saad niya matapos makapasok ang isang paa ko sa loob ng kwarto.

Agad akong magkumahog na makalapit saka ibinigay iyong root beer pagkatapos ay bumalik ulit sa pwesto ko. Wala pang isang segundo at wala na kaming imikan sa loob, parehong nasubsob sa mga paper works na kailangan naming tapusin.

Sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko na naman namalayan ang pagtakbo ng oras. Muntik pa akong mapatalon ng biglang tumunog ang cellphone ko sa bag.

Napatingin ako sa gawi niya, nagdadalawang-isip kung sasagutin iyong tawag o hindi ng bigla siya g magsalita.

"Will you please answer the damned phone? Nakakairita."

Tss. Ano bang pinakain ni Kamila sa mokong na to at kanina pang wala sa mood? Nakakabanas naman e. Masaya na kami kanina.

Kinuha ko ang cellphone saka sinagot iyon, ngunit binabaan ko na lang ang boses para hindi ko na siya maistorbo.

"Hello?"

"Dee?" medyo nag-aalinlangan ang boses sa kabila kaya tiningnan ko kung sino ang caller para makasigurado. At totoo nga.

"Zed!" hindi ko mapigilan ang pagkabigla.
"Asan ka? Can we meet please? Princess I'm really.."

"Hey, wait. Nasa work ako, magkita na lang tayo mamaya okay? Punta sa apartment ko." saad ko sa kanya.

Ang huling pag-uusap namin ay kahapon, nung muntik na akong masagasaan ni Miss Doctor pero pagkatapos nun, nakalimutan ko na ulit siyang tawagan. Napatawad ko na siya kasi maayos naman na ang samahan namin ni Ruzzi. Isa pa, kahit kailan hindi ko naman talaga kayang magalit ng matagal na lalaking to e.

"Okay. Do you want me to bring you anything?" tanong niya dahilan para mapaisip ako.

That's his peace offering. Ganun talaga kami pag may tampuhan. Last time na binigay ko sa kanya ay iyong binili ko na mamahaling wine kaya babawi ako ngayon.

Napangiti ako sabay hagikhik.

"Ferrero Rocher. Isang box."

"Isang box!?"

"Bakit ayaw mo?"

"Bibili na nga sabi ko diba?"

"Tapos dagdagan mo na din ng paborito ko."

"Ang high maintenance mo talagang kaibigan!" reklamo niya sa kabilang linya.
"Edi wag! Pinipilit ka ba?" singhal ko sa kanya. Nakalimutan na't lahat ang pagiging tahimik.

"Hindi." saad niya sabay tawa. "Bye Princess, love you."

"Bye baby Zed. Mahal din kita." nakangiti kong saad bago ibinaba ang tawag.

Nabaling ang atensiyon ko sa gawi ng kasama ko ng biglang may mahulog sa sahig dahilan para makagawa iyon ng maliit na ingay.

Nakita kong marahan siyang napamura bago kinuha yung root beer na gumulonh sa ilalim ng mesa.

"It fell." paliwanag niya ng hindi tumitingin sa gawi ko.

Hindi ko mawari, pero may kung anong kiliti sa puso ko nang marinig ko siyang magpaliwanag kahit hindi naman kailangan. Kahit dalawang simpleng salita lang yun.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now