37

11.1K 327 38
                                    

Ruzz

Isang buong linggo!

Lintek na bagong may-ari ng condo iyon. Isang buong linggo na akong pabalik-balik para kausapin siya at ng mabili ko ang unit ni Dee ngunit hanggang ngayon, hindi ko siya maabutan doon!

Palagi na lang siyang wala! Palagi na lang na walang taong sumasagot kapag nagagawi ako sa unit niya kaya ngayon, iniisip ko na rin na baka ayaw niya lang talaga akong harapin.

Damn it. At least man lang magpakita siya ng respeto at sagutin niya ang pagdodoorbell ko sa pinto. Hindi iyong pinagmumukha niya akong tanga na asa ng asa dito sa wala.

"Buksan mong babae ka! Buksan mo. Buksan mo." paulit-ulit kong saad habang paulit-ulit din na pinipindot iyong timbre.

Nanggigigil na sinuntok ko ang pader sa tabi niyon at sinabunutan ang sarili dahil sa inis.

Damn it, kapag hindi niya pa talaga ako pinagbuksan ngayon, wag niya akong sisisihin sa gagawin ko. Desperate times calls for desperate measures ika nga. And I am not one to stop. In fact, my brother can vouch to the truth that I can totally do everything in my power, even fight dirty para lang makuha ang gusto ko.

Pinindot ko ng matagal na matagal ang doorbell at muling naghintay.

Isang minuto.

Dalawa..

Lima..

Sampu..

Huminga ako ng malalim para humingi ng tulong at magdasal ng karagdagang pasensiya na mula sa langit.

The woman has guts, I'll give her that. At may mataas din siyang pasensiya kung kaya niyang tiisin ang panggugulo ko, unless wala nga talagang tao sa loob.

But I fucking heard her last night, shuffling through as if may humahabol sa kanya. Unfortunately, when I opened my door, saktong naisara niya na yung sa kanya.

I glared at my own door. Sa lahat ba naman kasing panahon na pwede siyang pumapalpak, iyong kagabi pa kung kailan nagmamadali ako. Until now, misteryo pa rin sa akin kung bakit hindi ko mabuksan iyon. There was really nothing wrong with it when I inspected it that morning. Ang totoo niyan, wala naman talagang kakaiba maliban na lang dun sa papalayong lalaki na hinuha ko ay siyang naghatid sa bagong owner ng katabing condo.

And then a very unsettling thought came into my mind. Hindi kaya hinaharangan nung lalaking iyon ang pinto ko kagabi? Pero sobrang imposible naman iyon. Sa sobrang imposoble ng ideyang iyon, tinawanan ko na lang.

Tiim bagang na hinarap ko muli ang pinto ng unit ni Dee.

Tinitigan ko ang lock at ang mga numero doon. Well, wala namang mawawala kung susubukan ko diba? I know it's kind of desperate and imposible but..

Damn it. Wala ngang mawawala kung susubukan ko. Maybe the woman hasn't gotten to changing her code and this time, I can finally talk to her. Isa pa, napakaimposible nga ng ideya kong ito so baka wala ring mangyari.

Itinaas ko ang maliit na tabing na pumuprotekta sa lock saka pinindot ang passcode ni Dee.

The door clicked and then opened.

It fucking opened! God, how absurd was that?

I stared in shock and awe and definitely not a small amout of growing unease. Hindi ko kilala ang babaeng ito pero napakatanga ng ginawa niya nang hindi niya pinalitan ang lock. Oo nga at hindi niya alam na alam ko ang dating code pero first rule when in a new place, always change the lock.

Always. Damn it. Sino ba ang nagturo sa kanya at mukhang walang muwang ang isang to?

Itinulak ko ang pinto at puno ng pag-iingat na pumasok. Iginala ko ang paningin sa paligid.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now