5

12.5K 345 14
                                    

Deireen

Binuksan ko ang cellphone ko at tinawagan si Skye. Humandusay ako sa tabi ng kotse ko saka doon nagpakawala ng maraming luha.

Marahil ay dahil na rin sa pinaghalo-halong sakit ng ulo, pagbaba ng adrenaline at ganun na rin yung mga nangyari kanina kaya halos hindi ako makagalaw. Parang hinablot ng mahiwagang kamay ang lahat ng lakas ko at ang tanging nagagawa ko na lang ngayon ay ang ngumawa.

Nakakahiya man ngunit kailangan ko ang bestfriend ko. Alam niya kung ano ang dapat kong gawin.

It took her five rings before she was able to answer my call. Halos ibaba ko na noon ang tawag ngunit sa kabutihang palad ay nasagot niya bago ako panghinaan ng loob. 

"Dee.." normal ang dating, parang walang problema.

Sometimes, I envy this girl. Kung bakit ang lakas niya. Kung bakit hindi halata sa kanya yung mga pasanin ng mundo. Kung bakit hindi siya umiiyak na kasing dali ko.

So opposite and yet so connected. Kaya siguro hindi namin mapakawalan ang isa't isa. We both completed each other. Para siyang iyong kapatid ko na hindi binigay sa akin.

"Hi.." sinubukan kong lagyan ng kasiglahan ang boses para hindi siya masyadong mag-alala.

Ilang minutong katahimikan and..

"Are you crying?"

Again?

Yun ang hindi niya isinama sa kanyang tanong but we both know that it's there.

That word. Again. Paulit-ulit. Nakakasawa. And just like that, the insecurities came plaguing me again.

"Hmm. Masakit lang ang ulo ko and I have a clogged nose."

Katahimikan na naman.

"Are you busy or something?" tanong ko pagdaka ng manatiling walang imik sa kabilang linya.

"Oh, I'm sorry Dee. I'm looking over at the video call. May konting aksidente si Kamila."

Kamila.

"Yung kapatid mo?" tanong ko. 

"Yeah, remember, yung inagawan mo ng bridal bouquet?" natatawang saad niya.

That Kamila.

Pero may asawa na siya diba?

What's Ruzzia's business in being so in a hurry kanina? And his snapping attitude?

Ganun na lang ba ang pag-aalala niya sa sister in law niya at kailangang sigawan niya ang mga tao sa paligid niya? Ganun ba sila ka-caring sa mga babae ng kapatid nila?

Napapikit ako ng mariin.

"What happened?" tanong ko.

"Nagsusuka kaninang umaga tapos biglang nawalan ng malay. Nagpanic si Rio kaya tinawagan yung doctor. Hanggang ngayon wala pa daw."

Ahh. Damn it. Dahil sa akin yun.

"Baka parating na. I'm sorry. I'm the one who delayed her." hinging paumanhin ko.

Tapos nabatukan ko ang sarili ko kasi nag-open pa ako, malamang na magtatanong iyon kung bakit. 

"Bakit?"

See?

"Ah, just a little accident. Hindi importante. Ang mahalaga ay papunta na siya diyan." pagwawala ko sa usapan.

Narinig kong bumuntong hininga siya.

"She's there." mahinang usal niya makalipas ang ilang sandali. 

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now