3

13.9K 397 17
                                    

Deireen

He stormed out the club without even looking back habang ako naman ay nakatanga lang at pinapanood siyang umalis hanggang sa tuluyan na ngang mawala ang likod niya sa paningin ko.

Bumalik na ang kaguluhan sa loob ng Paramondium at halatang nakabawi na ang mga tao mula sa pagkabigla. Good thing na magaling ang DJ na meron sila dito, because he was able to turn the event into a freakin' milestone para mas lalong magwala ang lahat. Everyone has their hands waving in the air right now dahil sa upbeat na music at adrenaline rush.

Narinig ko pang sinungitan na naman ni Skye si Ashton, tinatanong kung hindi pa sasama kay Ruzzia pero umiling lang ang lalaki at sinangga na naman ang panibagong tagay ng alak na nais inumin ng kaibigan ko. I wondered if he's just being protective or talagang pushy ang lalaki na kasama ni Skye.

Nanlulumong bumalik ako sa mesa, bitbit ang kulay itim din na clutch at sinusubukang ayusin ang nalukot kong mukha.

Damn it! We are here to party tapos ito pang pangyayaring to ang tatapos sa kaligayahan ko?

I don't think so.

Not a chance in the whole fucking world! I hold my happiness in my hand, and I won't let anyone dictate when I will be happy.

Someday, mahahawakan ko din ang puso ni Ruzzia. And maybe that someday is not today, not tomorrow or the next effin' day, but I will see to it na mahuhulog din siya sa akin. Someday.

But today, this is the time to party. This is my day at hindi ako magmumukmok sa tabi dahil lang sa sinira ng magaling kong bestfriend ang plano na ginawa ko. Hindi ako magagalit sa kanya, o sa mundo o kay Ruzzia for being so hard-headed or cold-hearted.

I'll just fuckin' party!!!

If there's one thing that I've realized since my first rejection, is that it gets easier over time. Hindi nababawasan ang sakit pero nagagawa kong ibaling sa iba ang atensiyon ko para lang i-divert ang sarili kong puso.

Diversion is the key!

Kinuha ko ang isang bote ng jack daniels na nakatengga sa tabi at tinungga iyon, walang kopi-kopita, walang baso-baso. This is what we call, pure unadulterated buttoms upping. Para akong umiinom ng tubig sa ginawa kong paglagok kaya nang ibinaba ko iyon, halos natangay ko na ang 1/8 na laman ng bote.

Pinahiran ko ang bibig ko gamit ang likod ng aking kamao at sumulyap sa paligid.

Umaasa.

Nagdarasal na sana hindi pa siya tuluyang umalis.

Pero bigo na naman.

"Nakaalis na siya, he just sent a text." saad ng nasa harap ko.

Sinamaan ko siya ng tingin bago nagsalita. "And who said that I'm looking for your friend?" mataray kong tanong.

Nakita kong nangunot ang noo ni Skylar habang nakatitig sa akin.

"Ayusin mo ang sagot mo, maayos naman ang pagkakasabi niya sayo ah?" saad niya.

And if the world did not just fucking tilted on its axis when she said that.

Pinagtatanggol niya ba ang lalaking iyon sa harapan ko? Sa mismong bestfriend niya pa? Ang lalaki na kanina ay inaaway niya at tinatarayan niya, now she wants me to talk to him with respect? As if I am the villian! Na parang kontrabida ako sa buhay nilang dalawa!

Nagkibit balikat na lang ako at itinaas muli ang bote.

"Shouldn't we at least try and stop her from doing that?" may halong pag-aalala ang boses ng lalaki pero ang narinig ko lang ay iyong pipigilan nila ako. The word stop.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now