Kabanata 3

154 16 2
                                    

     "By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife," sabi ni Father. "You may now kiss the bride."

   Biglang nagising buong katawang lupa ko. Shit naman Gizelle oh. Paano mo nakalimutan yung part na'to??? Tiningnan ko si Sean at parang handa na siya para halikan ako. Ningitian ko lang siya ng malapad at nagtangkang umiwas sa halik. Pero bago pa ako maka-iwas, he grabbed my hand, pulled it. Nagka-eye contact kami and there was something in his eyes na di ko ma explain. Hinawakan niya mukha ko and planted a soft yet long kiss. Nastatuwa ako dahil sa ginawa niya. Nung natapos na niya akong halikan, inakbayan niya ako at we were now facing the audience. Pero di pa rin ako makagalaw. Nooo!!! Yung first kiss ko, nakuha ni demonyo!!!!!

      "Picture taking na ho," sabi ng camera man.

     "I know ayaw mo sa set up natin," bulong ni Sean. "But please act like we're in love."

   Tumango ako ng dahan dahan. Act like we're in love. Act like we're in love. Paulit ulit siyang tumatakbo sa isip ko. I was dumbfounded. Nagising na lang ako sa realidad nung nakurap ako sa flash ng camera. Ai oo nga pala. Picture taking. I snaked my left arm around his waist, at lumapit pa ng lalo sa kanya.

     "Aweee ang sweet sweet naman nila," narinig kong sabi ng mga kaibigan ko. 

     "Oo nga eh," sabi ni Liza. "I'm so happy for her."

   Patuloy lang yung pag ngiti ko habang kinukunan kami ng litrato. Una tumabi samin dalawa ni Sean ay yung mga magulang namin. Sunod naman ay ang maid-of-honor and best man. Tumabi sakin si ate at tsaka hinalikan ako sa pisngi.

     "I'm so happy for you bunso," sabi ni ate. "Oh Sean, bigyan niyo na ako ng pamangkin ha?"

     Pinalo ko yung braso ni ate. "Ano ba yang mga pinagsasabi mo ate? Nakakahiya."

     "It's okay, hon," sabat ni Sean. "Dapat na rin tayo masanay sa mga comment na ganyan. Kasal na tayo eh."

   Biglang uminit yung pisngi ko. Tinawag niya akong hon. Pero bakit ba ako kinikilog? Eh ayaw ko sa kanya diba? Tama, ayaw ko sa kanya. Kaya self, pakiayos ng brain cells mo po. Ayaw ko kay Sean and never ever will I.

   Finally natapos ang picture taking and lumabas na kami sa simbahan. Nauna ng pumunta sila mama, papa, Tito Paulo and Tita Sheena para naman maayos pa daw nila yung reception. The whole walk palabas ng simbahan, hawak hawal ni Sean yung kamay ko. And somehow, I felt protected and accepted. Ewan ko ba. Alam kong kaaway ko si Sean pero I cant help but feel safe sa tabi niya. And since I was lost in my thoughts, muntikan na ako tumambling pababa ng hagdanan. Buti na lang nasalo ako ng prince charming ko- ay este ng demonyo pala.

     "Watch where you're going, hon," sabi ni Sean. "I don't wanna spend our honeymoon sa hospital."

   Nagsitilian yung mga nakarinig. At ako naman, namumula na sa kilig- I mean hiya. Kinurot ko yung tagiliran niya which made him whince in pain pero nakangiti pa rin siya.

     "Nandito na sasakyan niyo, Seana nd Gizelle," sabi ni ate. "Sige na sumakay na kayo."

     "Di ka ba sasabay ate?" tanong ko.

     "Ano ka ba Gizelle. Syempre hindi. Exclusive para sa bride and groom lang ang limo na hinanda ni mama," sagot ni ate.

   Eto talaga si mama. Ang daming pakulong nalalaman. Binuksan ni Sean yung pintuan at tsaka sumakay ako. Tinulungan naman ako ni ate na masakay yung buong damit ko at baka mapunit pa. Nung ayos na ang lahat, sumakay na rin si Sean. Binuksan niya ang bintana pra makapag-kaway kami sa mga bisita, habang paalis na yung sasakyan.

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now