Kabanata 30

44 8 5
                                    

"Kyaaaaaah!!!! I'm so happy for you beshie ko," sigaw ni Princess pagkasabi kong gusto ako ni Philip. "OMG tama nga hinala ko. I knew you two were made for each other."

"Like level pa lang, beshie. Huwag kang ano dyan," sabi ko sa kanya. "Excited ka naman masyado eh. Dapat slow lang."

"Sorry ha? Excited lang," sabi niya sa'kin. "Eh naman kasi beshie. Bagay na bagay talaga kayo."

"Mas bagay pa kesa samin ni Sean?" I asked, unconsciously. Nung narealize ko kung ano tinanong ko, I face palmed myself. "Nevermind. Erase that."

"Hmm, come to think of it," panimula niya. "Mas bagay kayo ni Sean. Mas malakas attraction niyo sa isa't-isa eh."

"So sino ba talaga shiniship mo?" I asked her.

"Kung si Michelle, syempre Philip," sagot niya. "Pero if Gizelle, si Sean, walang duda."

I just rolled my eyes at nagfocus na sa paggawa ko ng design. Habang si Princess naman, busy sa project niya. Isa kasi siyang interior designer and kilala siya as one of the best. Lalo na sa mga artista.

"Para kanino yang dinedesign mo beshie?" I asked, while emphasizing the details of the design.

"Para kay Gerald Anderson lang naman," sagot niya sa'kin. Literal na nabitawan ko yung lapis ko at napatingin sa kanya. "Cat got your tongue, beshie?"

"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?" I said, nangingiyak. "Alam mo naman diba na crush ko siya?"

"Eh yun na nga," sagot niya sa'kin. "Pero don't worry, kaisa ko lang siya na meet."

I pouted at nagcross arms. Kainis si beshie, di man lang niya ako sinabihan. She stared at me for a few seconds at tinawanan lang. Mas nainis ako sa kanya kaya I slapped her arm gently. Pero hindi pa rin niya ako pinapansin.

"Edi bahala ka," I said and stood up to go to my room. "Lutuan mo ako. Matutulog muna ako saglit."

She just nodded at pumasok na ako sa kwarto ko. Ilang araw na kasi sumasakit eto. It was a Thursday night tonight at binigyan ako ni Philip ng day off bukas. Every night na rin kami lumalabas para kumain ng dinner. Except tonight. Kasi nga pina-half day niya ako.

Philip is the sweetest guy na nakilala ko (hindi kasali si kuya Myrick kasi exemption siya). Ever since he confessed to me, naging mas sweet pa siya. Hatid kuha na rin ako from home to word and vice versa. There was never a day na wala akong na receive na regalo from him, kahit na 3 days pa nga lang ang nakaraan. Flowers and chocolates for three days straight. If hindi sumakit ulo ko today, kakain sana kami dun sa buffet na Korean restaurant. Pero umepal yung ulo ko eh at nagdecide siyang sumakit ngayon.

My phone rang at tingingnan kung sino yung tumatawag. It was Philip. Agad ko itong sinagot ng walang pagdadalawang isip.

"How's my princess feeling?" bati niya sa'kin. "Okay na ba ulo mo?"

"Nawala na sana siya kanina," sagot ko sa kanya. "Pero ngayon sumasakit na naman siya. I was continuing the design kasi. Kaya eto, sumasakit na naman."

"Bakit mo kasi tinapos?" tanong niya sa'kin with irritation in his voice. "Pinauwi nga kita para pagpahingahin, hindi para ipagpatuloy yung design mo."

"Sorry na, PJ," paghingi ko ng paumanhin sa kanya. "Akala ko kasi okay na ako pero ayun, bumalik siya."

"It's okay, princess. Pero don't continue it, okay?" pagutos niya sa'kin in a friendly way. "I don't want my princess getting hurt. Kumain ka na ba?"

Regrets are Always at the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon