Kabanata 22

40 8 1
                                    

"Kwentohan mo naman ako sa Philip na yan, besh," bungad ni Princess sa'kin as soon as she stepped in my condo. "Parang kilig na kilig ka eh nung nabanggit mo siya sa'kin last night."

"Anong kilig na kilig sinasabi mo dyan?" I denied. Oo na, kilig na kilig na manang niyo. Pero syempre secret lang yun. Baka isipin na makati eh. "Normal voice ko na kaya yun."

"Normal voice mo mukha mo," sabi niya at kumuha ng isang apple from the table. "Alam ko yung normal voice mo, et. And last night? It didn't sound anywhere near normal. Now, spill, Michelle Jane Alcano."

"Hindi nga ako kinilig kagabi eh," deny ko pa sa kanya. "I was just surprised with his kiss okay?"

"KISS?! MAY NANGYAYARI NG KISS SA PAGITAN NIYONG DALAWA?!" pasigaw niyang tanong sa'kin. Oh sh*t! It slipped off my mouth. "Hoy, Grizelle huwag ka ng magdeny ha? Huling huli ka na sa akto eh."

"Gizelle? Who's that? Wala akong kilalang Gizelle," I asked. Kung nagtataka kayo kung bakit alam ni Princess yung dating ako, dahil yun sa kinwento ko yun sa kanya. I needed at least one to know about my bad deeds. At first, nagalit siya sa'kin and told me to go back to Cebu. Pero later on, naging okay na rin siya.

"Ah ganun? Wala ba talaga?" pahamon niyang tanong sa'kin. Kinuha niya yung phone niya from her bag and started dialing someone. "Tatanungin ko lang si Sean kung may kakilala ba siyang Gizelle Marie Alcante-Montemayor."

"Hoyyy joke lang!" I exclaimed as I panicked in fear. "Nagpromise ka sa'kin na walang makakaalam sa ginawa ko. Eto na, magkkwento na ako."

"Yehey!" excited niyang sabi at umupo sa harap ko. "Pero, nagiging tanga ka talaga noh pag si Sean na pinag-uusapan?"

I looked at her with a question mark plastered on my face. "What do you mean?"

"Do you really think, Ms. Gizelle Marie Alcante-Montemayor, na may number ako ng asawa mo na si, Sean Philip Montemayor?"

I mentally slapped my face. Ang tanga tanga ko talaga. Princess knows how to make her way through me para mahulog ako sa patibong niya. I looked at her with a huge smile on my face.

"Ano ningi-ngiti mo dyan?" tanong niya sa'kin. "Narealize mo ba kung gaano ka katanga? Or sadyang may sayad lang utak mo at nagiging bobo ka na?"

"Sorry ha? Pwede pa ba humingi ng tawad?" sarkastikong tanong ko sa kanya. "Nag panic lang kasi yung tao. Ikaw naman eh. Grabe mo maka-husga. Judger!"

"Oo na oo na, ako na ang judger," sabi niya. "At wala akong pakialam dun kaya magkwento ka na."

I let out a deep sigh at umupo sa tabi niya. Bakas sa mukha niya ang excitement marinig yung kwento. I rolled my eyes and looked at her.

"Remember the guy I told you na binangga ako? Tapos ako na naman nakabangga sa kanya?" I asked her at tumango siya agad. "Well, he turned out to be the CEO's son, AND my partner sa project na inassign ng CEO sa'kin."

"Oh, my gosh!" she exclaimed. "I'm smelling something fishy here."

"Bibig mo lang yan" sabi ko sa kanya and she immediately smelled her breath. Natawa na lang ako. "Joke lang yun. Eto naman. So yun na nga. Kami yung mag partner sa project ni Mr. Gokongwei. He told me na dapat kami maging close that's why MJ and PJ na tawagan namin sa isa't-isa."

"Wow, may tawagan na eh. Hokage naman niyan," pagsabat niya sa'kin. "Oh tapos?"

"Eh ayun nga. Nung pababa na ako sa floor ko, bigla niya akong hinalikan sa cheeks," kwento ko. "Eh ako naman, tumakbo palabas at hindi na siya tiningnan. Sobrang hiya ko eh."

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now