Kabanata 5

73 13 8
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na nagmula sa loob ng kwarto ko. Akala ko may magnanakaw na nakapasok pero si Sean lang pala. Umupo ako sa kama ko at dun ko nakita ang rason kung bakit napakaingay. Nag-iimpake kasi siya.

"Ba't ka nagiimpake, Sean?" Antok kong tanong. Pero wala akong sagot na nakuha. I stood up and umupo sa sofa na nasa harap niya. "Hello? Sean? Bakit ka nag-iimpake?"

"Dun muna ako matutulog sa study room. Dapat ko kasi tapusin yung project," seryoso niyang sagot.

"Eh bakit dapat mag-impake?" tanong ko. "Malayo ba yung study room na tinutukoy mo?"

At hindi na ulit siya sumagot. Pinanuod ko na lang siyang magimpake. Tutulungan ko sana siya pero he pushed my hand away. Nagulat ako sa ginawa niya. Well, I mean sanay naman ako na tinatanggihan niya tulong ko, pero I was just shocked. Hala! Baka may ginawa kang mali sa kanya Gizelle, sabi ng mabuting konsensya ko. Eh wala naman pakialam si Gizelle eh kung may nagawa siya o hindi kasi wala naman siyang pakialam kay Sean in the first place, giit naman ng masamang konsensya ko. Ganun ba talaga ako kasama? Huhuhuhuh Lord, help me.

"Aalis na ako," biglang sabi ni Sean. "If may kailangan ka sakin, nandun lang ako sa study room."

"Teka lang, Se-," di pa nga ako tapos magsalita, umalis na siya ng kwarto. "Edi bahala ka sa buhay mo!"

Yes, I have all the room for myself. Tiningnan ko yung buong kwarto namin, and sa totoo lang, it felt lonely. Sanay kasi ako na nandito si Sean, nangungulit sakin. Oh well, life needs to move on. Kinuha ko yung phone ko from the night table and tiningnan kung may notifications ako. Mabuti naman at wala. It was already 7 in the evening pala. At kumulo na sa gutom yung tiyan ko.

"Bababa na po ako, mga alaga ko. Papakainin ko na po kayo," sabi ko sa tiyan ko at bumaba na.

Pagkarating ko sa kusina, nagulat ako sa rami ng french toast na nasa lamesa. Agad akong tumakbo papunta sa lamesa at tsaka umupo. Kumuha ako ng isang slice, hiniwa tapos kinain. Oh gosh, ang sarap. The way it melts sa dila ko. It's the best french toast ever!

"Manang Flora, ikaw po ba gumawa neto?" Tanong ko kay manang habang nagpatuloy sa pagkain. Ang sarap sarap kasi, di nakakasawa.

"Ai, hindi po Ma'am Gizelle," tanggi ni manang Flora. "Si sir Sean po ang may gawa niyan."

Sa pagkarinig ko sa pangalan ni Sean, nabulunan ako. Agad ako naghanap ng tubig at ininom ito. Eh sino ba hindi magugulat diba? Si Sean, marunong pala gumawa neto? At ang sarap pa ha. Ang dami ko pa palang di alam tungkol sa kanya. Inubos ko yung slice na nasa plato ko at agad tumakbo papunta sa study room. Nung umabot na ako, kumatok agad ako. I waited for a few seconds bago binuksan ni Sean yung pintuan.

"What?" Galit niyang tanong sakin. Ano kaya nangyari sa kanya? Parang naging demonyo ulit eh.

"Ang sarap ng toast na ginawa mo, hon," sabi ko. "Gawan mo ako ulit if di ka na busy ha?"

"Gumawa ka mag-isa mo," sabi niya at saka sinarhan ako ng pinto.

One word. Three letter. Wow. Tilang bumabalik na ang old Sean, ah? Eh bakit naman kaya? Dahil ba sa may ginawa talaga ako? Di ko na kinulit si Sean at bumalik na lang sa kusina para kumain pa ng toast. Pero tilang nawalan ako ng gana. Hindi ko kasi maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Bakit ba siya galit sakin? Or baka sobrang stress lang siya kaya umiinit ulo niya? Siguro nga yun yung rason.

"Ma'am Gizelle, di pa po kumakain si sir Sean ng hapunan," sabi ni inday sakin. "Baka nagugutom na po iyon."

"Ganun ba, inday? Sige ako na lang maghahanda ng hapunan para sa kanya," sabi ko at tapos pumunta sa fridge. May steak, porkchop at tsaka chicken. Ano kaya iluluto ko kay Sean? Pinili ko na lang lutuan siya ng Buffalo Drumstick since yun lang ang madali kainin. So kinuha ko na yung chicken drumsticks at nilagay sa tubig para ma defrost. Sunod ko naman kinuha ay yung harina, paprika, cayenne pepper tapos asin. Hinanda ko na ito lahat at tsaka prinito yun.

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now