Kabanata 6

66 10 1
                                    

Sean's POV

     "Huwag mo na kasi awayin si Gizelle," payo ni Mack sakin. Nandito kaming dalawa sa study room ko. Pinapunta ko kasi siya para may makausap ako tungkol sa problema ko ngayon. "Gusto mong magustuhan ka niya diba? Edi ipagpatuloy mo yung pagiging mabait mo."

     "Yun na nga yun, Mack. Siya na mismo nagsabi na kahit maging mabait ako, hinding hindi niya pa rin ako magugustuhan," sabi ko sabay inom ng whiskey. "Ayaw ko lang kasi mapunta sa wala lahat ng efforts ko kung sa huli, di pa rin niya ako magugustuhan. Mas mabuti pa itong ganito, ako lang ang nasasaktan."

     "Ay hala ewan ko sayo Sean. Kung yan ang gusto mo, susuportahan na lang kita," aniya ni Mack. "Basta pag nagsisi ka sa huli, huwag na huwag mo akong iiyakakan na di kita pinagsabihan."

   Uminom ulit ako ng isang shot ng whiskey. Bakit ba kasi kailangan pang may ganito? Gusto ko lang naman maging masaya kami ni Gizelle. Bakit ba niya ako pinapahirapan ng ganito? Ganun na ba ako mahirap magustuhan?

   Uminom lang kami ng uminom ni Mack ng may kumatok sa pintuan. Nung bumukas eto, pumasok si manang Flor, dala dala ang tray ng pulutan namin ni Mack. Nagpaluto ako ng sisig ni manang kasi namimiss ko na kainin yun.

     "Oh eto na mga anak," sabi ni manang at inilapag yung tray sa lamesa ko. "Mag-enjoy kayo sa pagkain at huwag masyadong uminom. Tanghaling tapat pa."

     "Si manang talaga. Parang di ka pa nasanay samin ni Sean." Kinuha ni Mack yung isang tinidor at nagsimulang kumain. "Nako manang. Ang sarap sarap talaga ng sisig niyo. The best toh!"

     "Hay nako at nagiging bolero na kayo. Dulot lang yan ng iniinom niyo," tawang sabi ni manang. "Oh sya sige, babalik na ako sa paglilinis."

   Tumango lang kami dalawa ni Mack kasi focus na focus kami sa pagkain ng sisig. Nag-usap lang kami ng nag-usap at inom ng inom. We were just enjoying our time. Sinusubukan ko ring alisin si Gizelle sa utak ko kasi sa totoo lang, I was getting tired of thinking too much about her.

    "Pero Sean, paano na lang kung may ibang magugustuhan si Gizelle?" tanong ni Mack sa'kin. "Hahayaan mo na lang ba?"

     "Syempre hindi, tol. Pero since gusto niyang maging masama ako sa kanya, edi bahala siya sa buhay niya," sigaw na sagot ko. "Kung mas gugustuhin niyang hindi ko siya papakialaman, okay sige. Susundin ko. Hindi naman ako mahirap kausap eh."

     "Pero what if naguguluhan pa lang si Gizelle ngayon?" tanong ni Mack. Tiningnan ko siya ng seryoso at napailing siya. "No no, what I mean is, what if sinasanay pa niya yung sarili niya sa mabait version mo?"

     "Kahit kailan Mack, puro walang kwenta yang mga sinasabi mo," sagot ko sa kanya. "Siya na mismo ang nagsabi. Ayaw niya sakin, pre. Edi sisimulan ko na ring ma-unlike siya."

   Umiling lang si Mack sa sinabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Tama naman siguro yung ginagawa ko diba? I'm just giving her what she wants.


Gizelle's POV

     "Manang, kumain na po ba ng almusal si Sean?" tanong ko kay manang nung uupo na ako sa harap nag hapagkainan. Kakain na kasi ako ng tanghalian. "Di pa po kasi nagagalaw yung iniwan kong pagkain para sa kanya."

     "Kumakain na sila ngayon ni Sir Mack sa study room po ni sir, ma'am," sagot ni manang. "Nagpaluto kasi si sir ng sisig para gawin nilang pulutan."

Regrets are Always at the EndOnde histórias criam vida. Descubra agora