Kabanata 32

37 8 7
                                    

     "Eh ba't ka ba umiiyak?" tanong ko kay Princess ng pagkalabas namin ng sinehan. "Hindi naman yun ganun ka-drama ah?"

     "Walang hiya si Liza eh. Ang sakit kaya isipin na, napapangitan siya sa sarili niya," sagot niya sa'kin. "Beshie! Paano na lang tayo? Kung panget siya, that makes us what? Mga unggoy?"

   Pinipigilan ko na yung tawa ko at baka mag-away pa kami dito. Akala ko na kasi kung ano yung rason at umiiyak siya. Dahil lang pala dun sa scene where Liza asked Enrique if she's ugly and if she's worth leaving.

     "Tahan na, sweet," mahinahon na sabi ni Diego sa girlfriend niya. Hinahaplos niya yung likod ni Princess at hinalikan sa noo. "Para sa'kin, you're the most beautiful and amazing woman I ever met. Hindi ka kapalit-palit, neither is your body ugly. You're a goddess, sweet. You're my one and only goddess. So tahan na, please?"

   I was expecting Princess to stop crying pero kabaliktaran ang nangyari. Mas lumakas yung iyak niya. Yung tipong, iyak ng mga bata kapag kinuha mo candy nila. Tiningnan ko si Diego pero sobrang kalma lang ng ekspresyon niya. How I wish ganyan din boyfriend ko, napaisip ako.

     "Mich, mauna na kayo ni Philip. Papatahanin ko na lang muna si Princess," sabi ni Diego sa'kin. He gave Princess his hanky at agad naman itong kinuha ni Princess. "Text ka na lang kung saan kayo magsstay."

     "Okay sige, Diegs," aniya ko. Tiningnan ko si Philip at nakitang may katext siya. "Hinahanap ka na ba sa inyo?"

     "Hindi naman. Tinetext ko lang si mama," sagot niya sa'kin. He placed his phone sa back pocket ng shorts niya at hinawakan kamay ko. "So where to, princess?"

     "Ikaw, saan mo ba gusto mag tambay muna?" tanong ko sa kanya. Baka kasi may makuha akong suggestions. "We can go to Starbucks and have some frappe."

     "Exactly what was on my mind," saad ni Philip.

   Nagpaalam muna kami nila Princess bago naglakad papuntang SB. The whole walk, hawak hawak lang niya kamay ko. Tahimik lang kami pero alam niyo yung feeling na, parang may electricity na dumadaloy sa mga kamay namin? Yung current na parang nag-uusap kami kahit ang tahimik naman namin. Ang hirap iexplain pero yun na yun. It's like we were meant to be for each other. Ai spokening dollars ka na pala ngayon, Mich? Dahil lang sa blooming love life mo? Born for you ang peg mo eh, sabi ng konsensya ko sa'kin.

   Nung makarating kami sa SB, dumiretso na kami sa nakita namin upuan. He offered to order para din daw, hindi na makuha ng iba yung upuan namin. (Katulad niya, iniwan ko lang saglit, may nakakuha ng iba.)

     "Coffe jelly venti lang yung sa'kin, P," sabi ko sa kanya, sabay pagabot ng two hundred pesos.

     "Keep it, ako na magbabayad," he stated at naglakad na papunta sa counter.

   Nagkibit balikat lang ako at nilagay ulit yung pera ko sa loob ng wallet. Kinuha ko yung phone ko para maglaro ng candy crush habanh hinihintay si Philip. In the middle of the game, nagtext sa'kin si Diego saying na mauuna na lang daw silang umuwi. I replied okay, tapos bumalik na sa paglalaro.

     "Wala pa sila Princess?" tanong sa'kin ni Philip habang nilalagay sa lamesa yung order namin. "Hindi ko sila nasalihan ng order."

     "Nagtext si Diego sa'kin kani-kanina lang. Nauna na silang umuwi kasi may gusto daw puntahan si Princess," sagot ko sa tanong niya. "So, it's down tk us."

   He gave me a smile and took a sip from his Matcha Espresso. Uminom na rin ako mula sa frappe ko. Tumunog ulit phone ko to see Princess calling.

     "Hello, beshie," bati ko sa kanya as I answered her call. "Ba't ka napatawag."

     "Sorry for leaving ahead. May gusto lang talaga akong puntahan eh," sabi niya sa'kin. "Gusto ko rin kasi bigyan kayo ng alone time."

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now