Kabanata 29

34 8 7
                                    

Sean's POV

   Papunta na ako ngayon sa IT park. Habang nagddrive ako, my mind was clouded with questions about Gizelle. Alam kong buhay siya, but why can't Samuel pin point her location? Samuel never tried to reach this long when it comes to an investigation. Ang galing mo magplano ng mga bagay, hon. Pati si Samuel, nahihirapan. But I will find you. Not now, but sooner or later.

   I instantly stepped on the break paddle when I saw someone cross the street. Agad kong nilagay sa parking yung sasakyan ko at tsaka hinila yung hand break. Lumabas ako ng sasakyan at nakita ang isang babae na nakaupo sa kalsada.

     "WALANG HIYA KANG DRIVER KA!" sigaw niya sa'kin as soon as nakalapit na ako sa kanya. "KUNG GUSTO MONG MAGPAKAMATAY, HUWAG KANG MANDAMAY NG IBANG TAO. GUSTO KO PA MABUHAY."

     "Sino ba nagsabi sa'yo na gusto kong magpakamatay?" tanong ko sa kanya which made her stop crying. Wow, drama na naman. "If I wanted to kill myself, sana hiniwa ko na lang wrist ko. Use your head din paminsan minsan, miss."

   Iniabot ko yung kamay ko para tulungan siyang tumayo. She hesitated at first, pero iniabot pa rin niya yung kamay niya. I pulled her up at nagsimula ng maglakad papunta sa sa sasakyan ko when she pulled my shirt.

     "At saan ka pupunta, ha?" sabi niya. I turned to look at her, irritation filled my face. "Sa tingin mo makakatakas ka sa kasalanan mo?"

     "Kasalanan? May ginawa ba akong masama sa'yo, miss?" I asked her.

      She nodded and pointed at her knee sabay sabi, "Ikaw ang gumawa niyan sa'kin. So you better bring me to the hospital or tatawag ako ng police."

     "Miss, hindi ako ang gumawa niyan. Ang kalsada, ikaw, at ang katangahan mo ang may kasalanan sa pagkasugat ng tuhod mo," sabi ko sa kanya. I got my wallet mula sa pocket ko at binigyan siya ng three thousand pesos. "I think that's enough to cover the hospital expenses para sa paggagamot ng sugat mo. If you don't mind, I have a meeting to attend."

   Dumiretso na akong sumakay sa sasakyan ko. Pero hindi pa rin siya umaalis sa daanan. Pinindot ko ng matagal yung busina para umalis na siya. And it was successful. Nagdrive na ako ulit and shook my head in disbelief. Hindi ko naman siya nabangga eh. Malalaman ko if nakabangga ako kasi malakas ang pagkabog ng bumper ko. And my hood would be damaged.

   As soon as nakapark na ako, bumaba agad ako at naglakad papunta sa Starbucks. I saw kuya Myrick as soon as I got in at agad siyang pinuntahan.

     "Hey kuya," bati ko sa kanya and he had that brotherhood greeting. "How's life?"

     "Eto, humihinga pa rin," sagot niya. "Eh ikaw? How's life ever since my sister died?"

     "Surviving," tipid kong sagot. "So, what's this theory of yours, kuya?"

   And he started talking. Kinwento niya sa'kin lahat about him seeing Gizelle sa mismong araw ng burol ni Gizelle. He even described the appearance of the person he saw.

     "Kuya, may sasabihin din ako sa'yo," I said. "Pina-imbestigahan ko yung pagsunog ng bahay. And I found something very interesting."

     "What is it?"

     "Gizelle faked her death," pasimula ko. Nakita ko ang pagkagulat ni kuya. "She hired someone to burn the house down. Hindi kay Gizelle ang katawan na nakita niyo sa bahay."

     "I knew it!" he exclaimed. Napatingin samin ang lahat na nandun. "I'm sorry. Please, continue whatever you're doing. Sorry again."

     "Pero that's all I've got, as of now," sabi ko sa kanya. "Hindi pa kasi nahahanap ng PI namin ang abogado na hinire ni Gizelle."

     "Is there anything na makakatulong ako?" he asked and I just shook my head. "Just tell me if kailangan mo ng tulong. Let's not tell anyone about this."

     "Of course, kuya," I agreed. "Let's tell them when Gizelle is with us na."

   He just nodded at nagpatuloy lang yung pag-uusap namin.

~

Someone's POV

     "How's it going, dude?" tanong ng isa kong kaibigan.

     "It's going smoothly," sagot ko sa kanya. "In no time, mapapasakin na mga pinusta niyo."

     "We're looking forward for that dude," sabi pa ng isa kong kaibigan.

   Ningitian ko lang sila and we drank another shot. In no time, I'll have everything I want. And you're going to be one of them.

~ ~ ~ ~ ~

A/N: Who's the secret character? 😱😱 Ano kaya ang plano niya?

Please don't forget to COMMENT, VOTE, and FOLLOW me for more updates! Thank you, love lots 💕💕

- Ikish 🦄

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now