Kabanata 33

35 7 5
                                    

Someone's POV

"Dude," bati sa'kin ng mga kaibigan ko. "Kamusta yung una niyong pagkikita?"

"Ang sama niya dude. Tingnan mo nga ito oh," sabi ko sabay turo sa tuhod ko. "Kahit hindi siya ang may gawa niyan, masakit pa rin."

"Iniwan ka lang niya sa kalsada, dude?" tanong pa sa'kin ng isa kong kaibigan. "Aba, upakan na natin yun."

"Oo iniwan niya ko. Pero iniwanan din ako ng 3k," sagot ko sa kaibigan ko. "Pero dude, in fairness gwapo siya ha. Ang galing mo pumili ng target."

"Of course, ako pa?" saad niya sabay hair flip. "Eagle eye nga tawag sa'kin ng mga kaibigan ko eh. So, ano na plano mo?"

"Kakaibiganin ko siya, tapos pahuhulogin, tapos iiwan," sagot ko sa kanya, with an evil smirk on my face.

All my friends just gave me an evil grin. Kaya nagkakasundo kami eh. Kasi kami lahat, produkto ng mga paghihiganti. We were born to take revenge for our families. And my target? Sean Philip Montemayor.

Michelle's POV

"May almighty God bless you, the Father, and the Son, and the Holy Spirit," sabi ng pari. "Go in the peace of Christ."

"Thanks be to God," sagot ng lahat na nagsisimba.

I made the sign of the cross at nag genuflect bago lumabas ng simbahan. Inuna ko na ang pagsimba para deretso na ako sa pagpapatuloy sa design. Sumakay na ako sa kotse ko at nagsimula ng magdrive papunta sa pinakamalapit na starbucks. Pagkarating ko, nagpark agad ako at kinuha yung lahat ng gamit ko sa likod ng sasakyan ko. Agad ako pumasok sa starbucks para maghanap ng mauupuan. Dumiretso na ako sa counter pagkatapos kong mailagay ang mga gamit ko sa lamesa.

"Good morning, welcome to Starbucks," bati sa'kin ng cashier. "I'm Grace, may I take your order?"

"I'll have one venti matcha espresso," pagdikta ko ng order ko. "And one turkey ham, please."

"Alright. So one venti matcha espresso and a turkey han," pagulit niya sa order ko. Tumango lang ako at ningitian siya. "That would be 357 pesos. Your name for the cup, please?"

"MJ," tipid kong sagot.

Iniabot ko yung bayad ko sa kany at hinintay yung sukli ko. I carried my tray papunta sa lamesa ko. The smell of my sandwich made my stomach growl. Nakalimutan kong wala pa pala akong breakfast. And it was almost 12 noon. Umupo na ako para masimulan ko na kainin yung sandwich ko. I was starving.

"May I join you?" sabi ng isang boses lalaki. Iniangat ko tingin ko sa kanya only to see the one and only, Philip. "Parang ang lonely lonely mo kasi eh."

"Alam mo, kung hindi lang kita kilala, iisipin kong stalker kita," sabi ko sa kanya at saka tumawa. Umupo siya sa harap ko at ngumiti. "So, what brings you here? Sinusundan mo ba ako? I don't remember telling you kung nasaan ako."

"Kapag nagkita tayo, sinusundan agad kita? Di ba pwede tadhana ang nagdala sa'kin dito?" banat niya sa'kin. I gave me him the serious look pero tumawa lang siya. "Swear, hindi kita sinusundan. Dito rin ako nagsstay every Sunday. Depende if walang lakad."

"Weeh? Totoo ba?" pang-aasar ko sa kanya. Bigla umiba yung timpla ng mukha nya, which made me laugh. "Joke lang, PJ. Nagsimba ka na ba?"

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now