Kabanata 24

47 10 4
                                    

It was Friday today and bored na bored ako dito sa unit ko. Hindi available si Princess ngayon kasi according to her, "Today is the day na sasagutin ko na si Diego mylabs so huwag kang epal, okay?". Kaya heto ako ngayon, nakahiga lang sa kama ko. Halos maubos ko na yung mga laro ko dito sa phone ko.

Tumunog yung tiyan ko kaya nagdecide akong magluto na lang for lunch. I skipped breakfast kasi nagdidiet ako. Pero alam naman natin na joke lang yung. Late na ako nagising kaya I decided to have brunch na lang.

I took out the pork chop mula sa freezer at dinefroze yun para maluto ko na. Umupo ako sa sofa at nagpasyang manood na lang ng movie. Nung nasa kalagitnaan na ng palabas, nakaramdam ako ng antok. Kaya ayun, unti unting pumipikit mata ko hanggang sa nakatulog na talaga ako.

Sean's POV
"It's been 6 months, Samuel! Six freaking months at hanggang ngayon di mo pa alam kung saan si Gizelle?!" napasigaw ako sa galit. I was already on my way to the airport pero eto yung balita na natanggap ko. "You better find her before I reach the Philippines or ikaw yung mawawala sa buhay namin."

     "Noted, sir. Sorry po talaga," he apologized pero pinatay ko na yung tawag bago pa siya makatapos.

   I know I'm being harsh on him pero I just want to see Gizelle again. Anim na buwan akong nangulila sa kanya. Gusto ko na siyang makita, mayakap, mahalikan at kapag nakita ko na siya, hinding hindi ko na siya papakawalan.

     "Êtes-vous d'accord, Monsieur?" tanong ng driver sa'kin. (Are you okay, sir?")

   Tumango lang ako sa kanya bago binigyan ng ngiti. I stared at the window. This has been my home for more than half a year. I can't believe uuwi na ako. I can't believe na pag-uwi ko, wala ng Gizelle na bubungad sa'kin. Wala ng Gizelle na puro reklamo, puro satsat, puro sigaw. Wala ng Gizelle na lulutuan ako kapag hindi ako nakakain. Wala ng Gizelle na maghahatid ng tubig sa study room ko kapag halos hindi na ako lumalabas ng kwarto. Wala na si Gizelle. Wala na ang asawa ko. Wala na akong ibubully. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko. At dahil yun sa'kin. Ako ang may kasalanan sa lahat! Kung hindi ko lang binago pagtrato ko sa kanya, siguro nasa bahay pa siya, hinihintay ako umuwi. Siguro may sisigaw pa sa'kin kapag hindi ako nakakain. Pero wala na. Wala na lahat. Naglaho na ang lahat.

Natigil yung pagsisisi ko when my phone rang. Pagkakuha ko, si mama pala yung tumatawag. I instantly answered her. A smile crept to my face as soon as I saw her face. She was always been my happy pill.

"Hello, ma," bati ko sa kanya. "How's home?"

"Anak? Are you crying?" tanong niya sa'kin. Naguluhan ako sa tanong niya so I touched my cheeks to see if umiiyak ba ako.

And damn! I really was. Ba't hindi ko man lang napansin? Was I that regretting everything na pati pagpatak ng luha ko hindi ko napansin?

"Anak? Okay ka lang ba?" tanong ulit ni mama. "Is everything fine there? May umaway ba sa'yo?"

"Ma, calm down. I'm okay," I replied. Okay, Sean? Are you sure you're okay? F*ck you're not! "Naalala ko lang si Gizelle. I just miss her so much, ma."

"Oh I see," tipid niyang sagot. "If nandyan lang ako anak, I would have comforted you already. Iiyak mo lang yan okay? Don't conceal it. Mas masasaktan ka if ikikimkim mo ang sakit."

I saw the worry plastered all over her face. I don't want my mom worried. Pero alam kong nag-aalala lang talaga siya sa'kin. Six months kong kinimkim yung sakit, ako lang mag-isa. Wala akong masabihan, wala akong makausap. I was all alone, I was by myself. I never felt so alone in my entire life.

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now