Kabanata 35

38 7 1
                                    

   Warning ⚠️: Long update so pagpasensyahan niyo na po if sobrang haba.

---------

Sobrang bilis ng takbo ng panahon. It's been a month and a half since nagsimula kami ni Philip sa project na ito. Ang dami ng progress na nangyari within that time span. Nakapili na si Mr. Gokongwei ng gusto niyang design, nagsimula na rin si Philip sa ground breaking last week. Hindi na ako masyadong busy ngayon, pero si Philip na naman ang tambak ang trabaho. Papers here, papers there, papers everywhere.

   At sa loob ng isang buwan at kalahati, mas naging close kami ni Philip. Halos bawat minuto ng bawat oras kami magkasama. Para kaming dinikitan ng mighty bond at hindi na kami mapaghiwalay pa. I know it sounds cheesy and whatever you wanna call it, but hey? Haven't you tried to be in a situation like this? Kung saan sobrang saya niyo, at pakiramdam mo, nahuhulog ka na talaga? I'm sure naranasan niyo na ito. At alam kong naiintindihan niyo ako kahit papano kung bakit sobrang bilis namin ni Philip. Wala namanh pinipiling oras ang pagmamahal, diba? It comes when it wants to come. And here it is, sa aming dalawa. Pero, hindi pa love level kami ha? MU pa lang. (Mukhang unggoy, tss)

   Saturday ngayon at naginvite si Princess na pumunta sa Enchanted Kingdom. Syempre, go ako! Who doesn't wan to go there, diba? It's like the disneyland of the Philippines. Except wizard siya at hindi daga. Nakaupo lang ako sa sofa ko habang hinihintay na tumawag si Princess. Sabay nalang daw kasi kami papunta sa Enchanted Kingdom. And of course, kasama niya boyfriend niya. Hindi pwede malimutan si Diego at times like these. Ginagawa akong third wheel.

     "Beshie!" may sumigaw mula sa labas ng pintuan ng unit. Tumayo na ako at lumakad papunta sa pintuan para buksan eto. "Let's go. Nasa baba na si Diego."

   Tumango lang ako at nilock yung pinto. I followed her papunta sa elevator. I was wearing a white plain shirt sa ilalim ng maong na jumper ko, with matching salmon pink Nike NMDs. Habang si beshie naman, loose pink shirt, shorts and doll shoes. Parehong nakatali buhok namin kasi of course, baka maging frizzy and all sa mga rides sa EK.

     "Tahimik yata natin, beshie ah," sabi ko sa kanya. Pero hindi niya ako napansin, or hindi lang talaga niya ako pinapansin. "Busy na busy sa katext eh. Parang walang kasama."

     "Sorry na beshie.  Nagtext kasi assistant ko saying na may problema daw sa office," sagot niya sa'kin habang nagtatype pa rin sa phone niya. "Pero she's got it all under control na daw. Sorry talaga."

     "Ano ka ba? I was just kidding. Ano daw yung problema?" I asked her. Busy kasi si beshie ngayon dahil sa mga nagpapadesign na artista sa kanya.

     "Hindi daw natanggap ni ms. Liza yung sinend ko na design sa email. Eh nadelete ko na sa laptop ko because it was already full," paliwanag niya sa'kin and finally, tumingin na rin siya. "Pero natanggap na daw ni ms. Liza so okay na."

   I have her an encouraging smile and tapped her back. Bumaba na kami ng elevator at dumiretso na sa labas ng building. We saw Diego'scar so we rode on it immediately. Baka kasi magreklamo pa yung nakasunod sa kanya.

     "Wow, sweet. You look extremely cute today," pagcompliment ni Diego sa girlfriend niya. He kissed her forehead and cheeks. "I'm so lucky to have you."

"Nambobola ka na naman, sweet eh," nahihiyang pahayag ni Princess. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Tinanaw ko ang pwedeng matanaw sa dadaan namin papuntang Laguna. Alam ko naman na pareho pareho lang ang makikita ko so I decided to sleep.

~

"Beshie, gising ka na," gising sa'kin ni Princess.

Unti - unti ko binuka yung mata ko, expecting to see the wizard. Pero iba yata yung nakikita ko. We were in a parking lot, Pepper Lunch's parking lot, to be exact. I yawned before looking at Princess.

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now