Kabanata 25

47 8 3
                                    

   Nagising ako sa mabangong amoy ng pagkain. Umupo ako at tinignan kung saan nanggalin yung amoy. At dun ako nagising ng todong todo. Hala nakatulog ako! Sino kaya yung nagluluto? Huuhu sana hindi moomoo or magnanakaw? Pero wala namang magnanakaw na nagluluto, diba?

"Buti naman at gising ka na, beshie," narinig kong sabi ng taong nagluluto. "Huwag ka na matakot diyan. Ako lang ito, ang iyong pinakamagandang beshie."

Tumayo ako mula sa sofa at naglakad ng sobrang tahimik papunta sa kusina. Baka kasi recorded voice lang ni Princess yun at talagang moomoo yung nagluluto. Nung nakarating na ako sa entrance ng kusina, sumilip ako sa may stove at wala akong nakita. Ni anino, wala! Dahan dahan akong lumapit sa stove nung may biglang sumulpot na babae na sobrang puti ng mukha.

"May multo!" sigaw ko ng sobrang lakas at tumakbo papunta sa sofa. Kumuha ako ng dalawang unan at ginamit ito pangdepensa. "Huwag na huwag ka lalapit sa'kin multo ka! Hindi kita uurungan."

Lumapit yung multo sa'kin. "Hoy, Michelle! Nagddrugs ka ba? Si Princess nga ito."

     "Eh ba't ang puti puti ng mukha mo?" tanong ko sa kanya, halatang takot na takot ako sa boses ko pa lang. "Hindi naman maputi si Princess eh. Chocolate yun."

     "Ah ganun? Chocolate pala ha," sabi niya tapos tinanggal yung puti na mask sa mukha niya. Omo! Nag face mask lang pala siya. Nabuking ako, patay na! "Ano nga ulit yung sabi mo, babae ka?"

     "Wala! Sabi ko ang puti puti ng mukha mo," pagbabawi ko sa sinabi ko. "Eto naman si beshie, hindi makasabay sa joke."

"Ewan ko sa'yo," inis na sabi niya, sabay walk out papunta sa kusina.

"Sorry na beshie," paghingi ko ng tawad sa kanya. Sinundan ko siya sa kusina at niyakap siya from behind. "Sorry na beshie. Eh teka nga. Ba't ka nandito? Diba ngayon yung araw na yun?"

"Tapos na kaya," sabi niya sa'kin. "Go look at the time to see what time it is."

Nagkibit balikat lang ako at pumunta sa kwarto ko para kunin yung phone ko. Pagkakita ko sa oras, muntika na mahulog yung phone ko. It was already 8 in the evening. At wala pa akong breakfast, dinner and lunch.

"Omg! I'm so sorry mga alaga," sabi ko sa sarili ko habang hinahaplos yung tiyan ko. "Hindi ko kayo napakain ngayon. Sorry talaga."

Biglang tumunog ng sobrang lakas at sobrang tagal ng tiyan ko. Wala na, nagagalit na mga alaga ko. Nilagay ko sa bulsa yung phone ko at agad lumabas para makapunta sa kusina. Pagkarating ko, nakaprepare na lahat. Mula sa plating, kanin, fried chicken, dessert at drinks. Niyakap ko agad agad si Princess at kiniss sa cheeks.

"Eeww ano ka ba beshie?" pandidiri niyang sabi habang tinatanggal yung pagkayakap ko sa kanya. "Ang weird weird mo ngayon. Para kang nakadrugs. Don't tell me nabentahan ka ni Philip ng mariwana ha?"

Agad kong tinigil yung yakap at padabog na umupo sa upuan ko. "Huwag mo nga imention ang pangalan niya. It irritates me."

"Ay wow, it irritates you? Bakit naman? Make kwento na kasi," sabi niya at umupo sa upuan na nasa harap ko.

"Ganito kasi yun beshie," panimula ko.

FLASHBACK

"We're here, M," sabi ni Philip sa'kin. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita na sobrang mahal ng restaurant na rinserve niya. "Why aren't you unbuckling your seatbelt?"

"Ah-eh, dito ba talaga tayo kakain?" tanong ko sa kanya and he nodded. "Eh kasi, Philip, ang mahal naman dito. Sa iba na lang tayo."

Narinig kong tumawa siya ng mahina. "Don't worry, you won't be paying for anything tonight. It's my treat, remember?"

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now