Kabanata 8

61 9 6
                                    

   It's been three weeks since nung intense na sagutan namin ni Sean. And ever since then, di ko na siya pinapansin dito sa bahay. Kahit na sabay kaming kumakain, nagpapanggap akong multo lang siya sa bahay. Kahit na magka-banggaan kami sa hallway or sa hagdan, di ko siya tinitingnan. Para nga kaming mga baliw eh. Kailangan pa namin ng messenger if may sasabihin kai sa isa't-isa. Nagtataka ba kayo kung bakit di ko na siya pinapansin? Kasi ayaw kong maulit na naman yung sagutan namin ni mama nung araw na ipinahiya ako ni Sean sa harap ng mga pamilya namin. Ganito kasi yung nangyari...

FLASHBACK..

     "Anak, buksan mo na itong pinto," sabi ni mama habang katok ng katok. "Let's talk please?" 

   Tumayo ako mula sa kama at pinagbuksan ng pintuan si mama. Pumasok siya sa kwarto na may dalang tray ng pagkain. Nilapag niya yun sa night table at umupo sa kama. Tinapik niya yung kama para paupoin ako. Umupo ako sa tabi niya at sinandal yung ulo ko sa balikat niya. 

     "Palagi bang ganun si Sean sayo dito sa bahay?" tanong niya sakin at tumango na lang ako para sagutin siya. Huminga siya ng malalim at saka hinimas yung ulo ko. "I'm sorry if I'll sound selfish pero please, Gizelle, maging mabait ka naman kay Sean."

     Tumayo ako mula sa pagkaupo ko at tiningnan siya sa mata. "Seryoso ka ma? Hindi mo ba nakita kanina kung paano niya ako malaitin? Kulang na nga lang tapak-tapakan niya pagkatao ko. Ma, siya yung sabihan mo niyan, huwag ako!"

     "Huwag na huwag mo ako pagtaasan ng boses, bata ka. Mama mo ako kaya marunong ka naman gumalang," sabi niya sakin. "Tama nga si Sean. Para kang walang pinag-aralan sa inaasal mo ngayon."

     "Wow ma! Ako na tuloy yung walang galang ngayon?" sarkastikong tanong ko sa kanya. "Tapos anong tawag mo dun sa ginawa ni Sean sakin kanina, ha? Yun ba ang ginagawa ng taong may galang at pinag-aralan?"

     "Tumigil ka na nga Gizelle!" sigaw ni mama sakin. "Huwag ka nga umasal na parang isang bata. Matanda ka na, for goodness' sake. So please, act like one."

     "Ikaw din ma," sabi ko sa kanya which made her puzzled. "Please act like my mother kahit ngayon lang. Kasi sa totoo lang, you've never been my mother!" Naramdaman ko yung palad niya sa kanang pisngi ko. It hurt like hell. Ang lakas ng pagkasampal niya sakin. Parang nauntog yung ulo ko sa pader kasi bigla akong nahilo.

     "Umayos ka Gizelle, bago pa kita itakwil bilang anak ko," sabi niya at lumabas ng kwarto.

   I felt my tears run down my cheeks. Bakit ba ako na lang palagi yung mali? Kainis naman oh. Umupo ako sa kama ko at umiyak ng umiyak. Akala ko okay na si mama sa pagpapakasal ko kay Sean. Akala ko ituturing na niya ako ng tama. Akala ko hindi na kami mag-aaway. Pero akala ko lang pala yun. Kasi ang totoo, mas mahalaga pa rin sa kanya ang reputasyon kesa sa akin, na anak niya. 

     "I'll just ignore him para wala ng gulo," I said to myself. "Kung walang magproprotekta sakin, ako na lang ang magproprotekta sa sarili ko."

~ ~ ~

   So, yun nga ang nangyari. Yun ang rason kung bakit hindi ko na pinapansin si Sean. I'm doing it to protect myself from getting hurt again. Kasi quota na ako sa sakit eh. Tama na siguro yun. I've had enough na.

   Nanonood ako ng tv nung bumukas ng padabog yung pintuan ng bahay. Pati nga yung chandelier, nagsswing na dahil sa lakas ng pagbukas. Tumingin ako sa may pinto at nakita si Sean, inis na inis. Pero di ko na siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.

     "Gizelle," tawag niya sakin. Pero di ko siya pinansin. Nagbibingi-bingihan ako. "Gizelle, pansinin mo nga muna ako." Pero wala pa rin. Hindi ko pa rin siya pinansin kasi ang sama niya sakin.  "I'm leaving for France later tonight. Mawawala ako for 6 months."

Regrets are Always at the EndМесто, где живут истории. Откройте их для себя