Kabanata 50

78 5 5
                                    

Philip's POV

"Dude, Jelyn's in prison at this moment," sabi ni Zach sa'kin. Napabalikwas ako sa kinakaupuan ko at hinarap siya. "No joke dude. It's all over the news."

"What the hell did she do this time?" inis na sabi ko sa sarili ko. "I need to book a flight to Cebu right this instant."

Tumango lang si Zach at agad tinawagan yung airline niya. I immediately went to my room to pack some stuff. I'll be staying in Cebu for a few days, for sure. Bakit ba kasi napakaburara mo, Jelyn? Look what happened. Pagkatapos ko magimpake ay binigay na ni Zach ang ticket ko.

"Please take care, dude. Baka ikaw yung susunod sa kanya," paalala ni Liza sa'kin.

"I'll make sure my hands won't be dirtied," I assured them.

Umalis na ako mula sa bahay ko at nagdrive papunta ng NAIA Terminal 2. I was driving like crazy kasi inis na inis ako. I didn't care if may mabunggo man ako. I just needed to go to Cebu as soon as possible. When I arrived, I parked my car sa kung saan pwede ipark ito at naglakad na papasok. Kakatapos ko lang magcheck in nung tumunog yung cellphone ko.

"Hello, my?"

"Saan ka ngayon, anak?" tanong ni mommy sa'kin.

"I'm at the airport my. Pupunta ako ng Cebu," sagot ko sa kanya. "I'll be telling you everything once it is all settled. Nagmamadali ako ngayon my, eh. I'll call you ASAP. Bye."

Hindi ko na pinasagot si mommy at pinatay yung tawag. I switched on my phone's airplane mode at tinago ito sa bag ko. Sana lang ay mailalabas pa kita, Jelyn. Because if I can't, then I'm sorry pero kailangan na kita kalimutan.

Jelyn's POV

"Bakit mo kasi tinawagan yung mga pulis, ha? Bobo ka ba talaga?" tanong ko kay Sandrine. Sobrang init ng ulo ko sa kanya na handa ko na siya patayin. "Nandoon na eh. Malapit na sana eh. Pero tinawagan mo pa!"

"Eh kasi ate, I thought it was too much! Hindi naman nila kailangan mamatay eh," paliwanag niya sakin. "We can always let their life be miserable."

"Paano? Aakitin mo si Sean tapos magiging kayo? Huwag ka nga maging tanga, Sandy," insulto ko sa kapatid ko. I knew I hurt her feelings, but I don't fucking care. "Hinding hindi ka magugustuhan ni Sean, Sandrine! Kasi may Gizelle na siya. Kaya gumising ka na sa katotohanan."

"Pero killing them is too much! Ayaw ko maging mamamatay tao," sagot niya sa'kin ulit. "Yes, they killed mama pero ate, it's been years! Why can't we just move on para sana ay wala tayo dito. Edi sana napakasalan mo na yung sugar daddy mo."

Hindi ko na kinaya at sinampal siya. Hindi ko alam kung saan siya natutong sumagot ng ganito. She just glared at me at lumayo sa'kin. I massaged my temples kasi sigurado akong high blood na ako. Umupo ako sa sahig at tinakpan yung mukha ko gamit ng aking mga palad.

"Jelyn Jean Cena, may bisita ka," sabi ng pulis.

"Sino daw?" inis kong tanong.

"Philip dela Cruz."

Agad ako tumayo at hinintay na buksan ng nakabantay yung pinto. Pinusasan ako ng kasama niya at dinala kung saan naghihintay si Philip. I knew he can't resist me. Kung hindi ako ang makakapatay kay Gizelle, siya na lang ang gagawa.

Philip's POV

"Bakit ka kasi nagpahuli?" inis na sabi ko kay Jelyn. "Paano na yan? Paano na yung plano?"

"Kung hindi nagsumbong yung kapatid ko, edi sana napatay ko na silang dalawa," paliwanag niya sa'kin. "I need you to finish the job for me babe."

"Ano plano mo?" I asked.

"Sagasaan mo si Gizelle," sagot niya sa'kin. "For sure nasa Perpetual siya ngayon. Make sure she dies on the spot, babe."

"Okay fine," sabi ko sa kanya. "I'll be back if nagawa ko na."

Hindi ko na siya pinansin at umalis na ng presinto. Napamasahe ako sa ulo ko ng wala sa oras. She wants me to kill Gizelle? She's crazy! Kinuha ko yung phone ko at tinawagan yung kakilala kong pwedeng pumatay kay Gizelle.

"Hello, pre. May ipapatrabaho sana ako. Ikaw na bahala. I'll just send you the details," sabi ko sa kanya.

Pinatay ko na yung tawag at agad inemail yung mga information na dapat niya malaman about Gizelle. Pagkatapos nun ay nagdrive na ako pabalik sa aking hotel. My head is still so hot about Jelyn's request. If she wants Gizelle dead, then I'll let her do it. Pero huwag na huwag niya dudumihan kamay ko. My phone rang and answered it.

"Anak, napano si Jelyn?" tanong ni mommy sa'kin.

"Akala ko ba my ayaw mo kay Jelyn? Then why care about her so suddenly?" I asked her. Ayaw niya kasi kay Jelyn. She got mad after sinabi ko sa kanya na dare lang yung samin kay Gizelle. I mean, Michelle.

"Lahat ba ng nagtatanong, nag-aalala agad? Hindi ba pwede malaman lang ang detalye kung bakit siya nakulong?" mom asked me sarcastically.

"She tried to kill Michelle," sagot ko sa kanya.

"Why the hell would she do that? Is she crazy?" sigaw ni mommy sa kabilang linya. "Si Michelle na nga itong sinaktan at ginago niyo, siya pa yung papatayin ng magaling mong kasintahan."

"Look, mom. You don't know the whole story, okay?" pagdepense ko kay Jelyn. "Michelle also has her own fault in this story. Now don't go judging my fiancee based on how you knew Michelle. Because the truth? She's a two faced bitch."

Hindi ko na hinintay na sumagot si mama kasi pinatay ko na yung tawag. I placed my phone sa ilalim ng dashboard, and when I looked straight, it was too late to step on the breaks. Tumunog yung hood ko, which means may nabunggo akong tao. I got out of my car only to discover na yung nabunggo ko? None other than Gizelle.


~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Regrets are Always at the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon