Kabanata 4

120 15 0
                                    

   Limang araw na ang nakalipas simula nung ikasal kami ni Sean. At sa loob ng limang araw na yun, wala naman masyadong nangyari. Maliban na lang siguro sa pagiging mabait ni Sean sa'kin. Oo, limang araw na ang lumipas pero di pa rin ako sanay. Masisisi niyo ba ako? 18 years niya ako binully at sa tingin ko, hindi sapat ang limang araw para maging sanay ako sa pagiging anghel niya kahit sa totoo naman, ay napakademonyo.

   Nasa trabaho si Sean ngayon, at ako naman, nandito lang sa bahay. Pinaresign kasi niya ako sa firm nila kasi gusto niya nasa bahay lang daw ako. Ewan ko ba kung bakit nagka-ganyan si Sean. Baka dahil may reward siya if magiging mabait siya sa'kin. Ewan ko at bahala na siya sa buhay niya. Basta ako, magpapakasaya ako kasi di ko na kailangan magtrabaho.

     "Good morning, my dear daughter-in-law!" Nagulat ako sa greeting na di ko alam kung saan nanggaling.

   At dahil sa malaking gulat ko, nahulog ako mula sa kinakaupuan ko. Deretso akong tumayo mula sa pagkahulog at nakita si mommy na nakatayo, may malaking ngiti sa mukha, at may dala-dalang basket of fruits.

     "Hello, mommy!" Bati ko sa kanya at niyakap siya. "Ba't po kayo biglaang napabisita?"

     "Eh kasi, iha, tinawagan ako ni Sean at sinabi niyang puntahan kita dito," sagot ni mommy. "Nag-aalala kasi siya at baka mabored ka dito. Ikaw lang kasi mag-isa."

     "Okay lang naman ako dito mommy. At tsaka nandito din naman sila manang tsaka si inday," tawa kong sabi. "Sana di na po kaya nag-abala at baka busy kayo sa opisina niyo po."

     "Si daddy mo yung busy, iha. Hindi ako." Tumawa kaming dalawa dahil sa sinabi niya. "Inday, pakiayos naman netong mga prutas na binili ko para makain na ni Gizelle."

   Kinuha naman iyon ni inday Razel at dinala sa kusina. Sumunod kami ni mommy sa kusina. Well, tama naman si mommy eh. Medyo boring nga dito sa bahay kasi mag-isa lang ako. Pero di naman ako nagrereklamo kasi baka ano pa sabihin ni Sean. Umupo si mama sa harap ng lamesa at nagsimula maghiwa ng mansanas. Kumuha muna ako ng tubig at ininom eto.

     "Gizelle, kailan niyo ba kami bibigyan ni Sean ng apo?" Nabuga ko yung tubig na nasa bibig ko sa sinabi niya at tiningnan siya ng deretso. "Alam kong bagong kasal pa kayo pero gusto ko na kasi makita yung makulit ko na apo."

     "Ah- eh, mommy. Alam mo naman na busy si Sean, diba?" Nilapag ko yung baso sa lababo at saka umupo sa harap niya. "Baka matagalan pa po kasi may malaking project si Sean eh."

     "Bakit ba kasi inuuna niya yung project na yun?" Pagpatuloy ni mommy habang naghihiwa pa ng isang mansanas. "Bagong kasal siya kaya dapat ikaw muna inaatupag niya. Hindi yung project na yun."

   Binigyan ko na lang siya ng malaking ngiti. Nako, di pa ako handang magka-anak. At mas hindi ako handa, at hinding-hindi ako magiging handa sa nangyayari bago mabuntis. Sex with Sean? Over my dead sexy body! Ayaw kong gawin yun kasama siya. Bahala na sila mama and mommy, pero ayaw ko. Nabaling yung atensyon ko nung tumunog yung cellphone ni mama. Pinunasan niya muna ng towel ang mga kamay niya bago sinagot eto.

     "Yes, Danika, what's happening?" Tanong ni mama sa kausap niya. Kumuha ako ng mansanas at tsaka kinain eto. Medyo matagal bago natapos yung kausap niya sa pagsalita. "Okay, okay, calm down. Pupunta na ako sa office." Sabi ni mama tsaka binaba yung tawag.

     "Emergency po ba yung nangyari, mommy?" Tanong ko habang tinulungan siyang magligpit.

     "Hindi naman siya emergency talaga, iha," simula ni mama. "Sadyang oa lang yung secretary ko. Ginagawang malaking problema ang maliit na sitwasyon." Kinuha niya yung bag niya at tsaka tumingin sa'kin. "Mag-iingat ka dito, okay? Aalis na ako."

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now