Kabanata 41

37 5 0
                                    

"Sam, are you free next week Saturday?" tanong sa'kin ni Philip.

"Yes, I think so. Bakit?"

"It's ate Patricia's wedding kasi. You're invited as my date," paalam niya sa'kin.

"May boyfriend na pala si ate?!" napasigaw ako ng wala sa oras. "Akala ko kasi single pa siya."

"Hindi kasi showy si ate sa relationship niya," paliwanag ni Philip. "Nagulat nga rin mga relatives namin when they received the invitations."

"Oh, kaya pala. Eh sal, ano susuotin ko? What's the motif and theme?" tanong ko. Syempre kailangan ko magprepare. Whole family tree na ni Philip nandun eh. "Para naman makabili ako ng damit para susuotin."

     "Ang alam ko lang pastel yung motif. Yung theme di ko pa natatanong eh," sagot niya sa'kin. "I'll inform you as soon as malaman ko na."

   Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagaayos ng mga gamit ko. Pauwi na kasi kaming dalawa. It was a Friday kaya cheers to the weekend! Hindi kami magdadate this weekend kasi may family activity siya. So I'll be spending my weekend with my one and only best friend. Uuwi kasi siya galing UK tonight. And I can't wait for chikka.

     "Tapos ka na ba, sam? Hatid na kita," alok niya sa'kin.

     "Hindi ka ba malalate sa activity niyo?" I asked. Baka kasi malate siya. Eh syempre ayaw ko maging rason kung bakit siya malalate. "I brought naman my car kanina kasi akala ko traffic."

     "Okay lang ba sa'yo na hindi kita mahatid?" tanong niya sa'kin.

     "Yes it's okay. Mauna ka ng umalis para makapag-prepare ka pa," I told him. "Mag-iingat ka, okay? Iloveyou sal ko."

     "Iloveyoutoo, princess sam," sagot niya sa'kin. He came to me para mayakap ako and he gave me a kiss on the forehead.

   Lumabas na siya sa office namin at pinatuloy ko na yung pagaayos. One week na lang kami dito sa opisina nato. This has been my home for a year now. Pero miss ko na rin yung dati kong work station. Miss ko na rin yung mga dati kong workmates eh. Lalo na sila Jamie, Mark and Fred. Medyo matagal na din yung last bonding time namin. I think it was four months ago.

   Dinala ko na yung bag ko at lumabas na ng opisina. Dumiretso na ako sa elevator para makababa sa parking space. Pagkababa ko, naglakad na ako papunta sa sasakyan ko at sumakay. I started to drive towards home. Makakapahinga na rin ako. Work is draining the energy out of me.

     "Beshie!" sigaw ko kay Princess as she entered my unit. Tumakbo ako sa kanya para yakapin siya. "Namiss kita sobra! Bakit kasi ang tagal mo dun sa UK."

     "Eh yung client ko, nasa UK yung bahay na gusto ipadesign," sagot niya sa'kin. "Namiss din kita, beshie!"

     "Kumain ka na ba? I prepared dinner," sabi ko sa kanya.

"Yes, I really need food right now," sabi niya. "Tapos may sad chikka ako sa'yo mamaya."

She had a huge smile om her face, but her eyes contradicted it. I didn't ask any more questions kasi it can wait until later. Nagtungo na kami papunta sa kusina para sabay na kumain ng hapunan.

"Where's Diego, beshie? Diba nagsama kayo papuntang UK?" I asked.

"Please don't mention that bastard's name. Naiinis lang ako," sagot niya sa'kin.

Napatingin ako sa kanya. Hindi kasi siya nagmumura usually. Lalo na kapag tao yung pinag-uusapan. Hindi ko na siya tinanong pa at pinatuloy yung pagkain ko. Pagkatapos namin kumain ay hinila niya ako papunta sa higaan ko. We both sat at the middle and I knew there was something wrong going on.

Regrets are Always at the EndHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin